quranm◉

Pahina 101

Range
from 4:141 to 4:147
Surahs covered
Salin
7 Salin

◉

4:141

ٱلَّذِينَ يَتَرَبَّصُونَ بِكُمۡ فَإِن كَانَ لَكُمۡ فَتۡحٞ مِّنَ ٱللَّهِ قَالُوٓاْ أَلَمۡ نَكُن مَّعَكُمۡ وَإِن كَانَ لِلۡكَٰفِرِينَ نَصِيبٞ قَالُوٓاْ أَلَمۡ نَسۡتَحۡوِذۡ عَلَيۡكُمۡ وَنَمۡنَعۡكُم مِّنَ ٱلۡمُؤۡمِنِينَۚ فَٱللَّهُ يَحۡكُمُ بَيۡنَكُمۡ يَوۡمَ ٱلۡقِيَٰمَةِۚ وَلَن يَجۡعَلَ ٱللَّهُ لِلۡكَٰفِرِينَ عَلَى ٱلۡمُؤۡمِنِينَ سَبِيلًا ﴿141﴾

na mga nag-aantabay sa inyo. Kaya kung nagkaroon kayo ng isang pagkapanalo mula kay Allāh ay magsasabi sila: "Hindi ba kami ay naging kasama sa inyo?" Kung nagkaroon ang mga tagatangging sumampalataya ng isang bahagi ay magsasabi sila: "Hindi ba kami nakapangibabaw sa inyo at nagtanggol kami sa inyo laban sa mga mananampalataya?" Kaya si Allāh ay hahatol sa pagitan ninyo sa Araw ng Pagbangon. Hindi gagawa si Allāh para sa mga tagatangging sumampalataya ng isang daan.

4:142

إِنَّ ٱلۡمُنَٰفِقِينَ يُخَٰدِعُونَ ٱللَّهَ وَهُوَ خَٰدِعُهُمۡ وَإِذَا قَامُوٓاْ إِلَى ٱلصَّلَوٰةِ قَامُواْ كُسَالَىٰ يُرَآءُونَ ٱلنَّاسَ وَلَا يَذۡكُرُونَ ٱللَّهَ إِلَّا قَلِيلٗا ﴿142﴾

Tunay na ang mga mapagpaimbabaw ay nagtatangkang manlinlang kay Allāh samantalang Siya ay lumilinlang sa kanila. Kapag tumayo sila patungo sa dasal ay tumatayo sila bilang mga tamad na nagpapakitang-gilas sa mga tao at hindi sila umaalaala kay Allāh malibang madalang,

4:143

مُّذَبۡذَبِينَ بَيۡنَ ذَٰلِكَ لَآ إِلَىٰ هَـٰٓؤُلَآءِ وَلَآ إِلَىٰ هَـٰٓؤُلَآءِۚ وَمَن يُضۡلِلِ ٱللَّهُ فَلَن تَجِدَ لَهُۥ سَبِيلٗا ﴿143﴾

na mga umuurung-sulong sa pagitan niyon: hindi patungo sa mga ito at hindi patungo sa mga iyan. Ang sinumang pinaligaw ni Allāh ay hindi ka makatatagpo para sa kanya ng isang landas.

4:144

يَـٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ لَا تَتَّخِذُواْ ٱلۡكَٰفِرِينَ أَوۡلِيَآءَ مِن دُونِ ٱلۡمُؤۡمِنِينَۚ أَتُرِيدُونَ أَن تَجۡعَلُواْ لِلَّهِ عَلَيۡكُمۡ سُلۡطَٰنٗا مُّبِينًا ﴿144﴾

O mga sumampalataya, huwag kayong gumawa sa mga tagatangging sumampalataya bilang mga katangkilik bukod pa sa mga mananampalataya. Nagnanais ba kayo na gumawa para kay Allāh laban sa inyo ng isang katunayang malinaw?

4:145

إِنَّ ٱلۡمُنَٰفِقِينَ فِي ٱلدَّرۡكِ ٱلۡأَسۡفَلِ مِنَ ٱلنَّارِ وَلَن تَجِدَ لَهُمۡ نَصِيرًا ﴿145﴾

Tunay na ang mga mapagpaimbabaw ay nasa pinakamababang palapag ng Apoy. Hindi ka makatatagpo para sa kanila ng isang mapag-adya,

4:146

إِلَّا ٱلَّذِينَ تَابُواْ وَأَصۡلَحُواْ وَٱعۡتَصَمُواْ بِٱللَّهِ وَأَخۡلَصُواْ دِينَهُمۡ لِلَّهِ فَأُوْلَـٰٓئِكَ مَعَ ٱلۡمُؤۡمِنِينَۖ وَسَوۡفَ يُؤۡتِ ٱللَّهُ ٱلۡمُؤۡمِنِينَ أَجۡرًا عَظِيمٗا ﴿146﴾

maliban sa mga nagbalik-loob, nagsaayos, nangunyapit kay Allāh, at nagpakawagas sa relihiyon nila para kay Allāh sapagkat ang mga iyon ay kasama sa mga mananampalataya. Magbibigay si Allāh sa mga mananampalataya ng isang pabuyang sukdulan.

4:147

مَّا يَفۡعَلُ ٱللَّهُ بِعَذَابِكُمۡ إِن شَكَرۡتُمۡ وَءَامَنتُمۡۚ وَكَانَ ٱللَّهُ شَاكِرًا عَلِيمٗا ﴿147﴾

Ano ang gagawin ni Allāh sa pagdurusa ninyo kung nagpasalamat kayo at sumampalataya kayo? Laging si Allāh ay Tagapagpasalamat, Maalam.