quranm◉

Pahina 253

Range
from 13:29 to 13:34
Surahs covered
Salin
6 Salin

◉

13:29

ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَعَمِلُواْ ٱلصَّـٰلِحَٰتِ طُوبَىٰ لَهُمۡ وَحُسۡنُ مَـَٔابٖ ﴿29﴾

Ang mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos, kagalakan ay ukol sa kanila at isang kagandahan ng kauuwian.

13:30

كَذَٰلِكَ أَرۡسَلۡنَٰكَ فِيٓ أُمَّةٖ قَدۡ خَلَتۡ مِن قَبۡلِهَآ أُمَمٞ لِّتَتۡلُوَاْ عَلَيۡهِمُ ٱلَّذِيٓ أَوۡحَيۡنَآ إِلَيۡكَ وَهُمۡ يَكۡفُرُونَ بِٱلرَّحۡمَٰنِۚ قُلۡ هُوَ رَبِّي لَآ إِلَٰهَ إِلَّا هُوَ عَلَيۡهِ تَوَكَّلۡتُ وَإِلَيۡهِ مَتَابِ ﴿30﴾

Gayon Kami nagsugo sa iyo sa isang kalipunang may nagdaan na bago pa nito na mga kalipunan upang bumigkas ka sa kanila ng ikinasi Namin sa iyo habang sila ay tumatangging sumampalataya sa Napakamaawain. Sabihin mo: "Siya ay ang Panginoon ko; walang Diyos kundi Siya. Sa Kanya ako nanalig at sa Kanya ang pagbabalik-loob ko."

13:31

وَلَوۡ أَنَّ قُرۡءَانٗا سُيِّرَتۡ بِهِ ٱلۡجِبَالُ أَوۡ قُطِّعَتۡ بِهِ ٱلۡأَرۡضُ أَوۡ كُلِّمَ بِهِ ٱلۡمَوۡتَىٰۗ بَل لِّلَّهِ ٱلۡأَمۡرُ جَمِيعًاۗ أَفَلَمۡ يَاْيۡـَٔسِ ٱلَّذِينَ ءَامَنُوٓاْ أَن لَّوۡ يَشَآءُ ٱللَّهُ لَهَدَى ٱلنَّاسَ جَمِيعٗاۗ وَلَا يَزَالُ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ تُصِيبُهُم بِمَا صَنَعُواْ قَارِعَةٌ أَوۡ تَحُلُّ قَرِيبٗا مِّن دَارِهِمۡ حَتَّىٰ يَأۡتِيَ وَعۡدُ ٱللَّهِۚ إِنَّ ٱللَّهَ لَا يُخۡلِفُ ٱلۡمِيعَادَ ﴿31﴾

Kung sakaling may isang qur’ān na iniusad sa pamamagitan nito ang mga bundok o pinagputul-putol sa pamamagitan nito ang lupa o pinagsalita sa pamamagitan nito ang mga patay, [ito na iyon]. Bagkus sa kay Allāh ang pag-uutos sa kalahatan. Hindi ba nakatanto ang mga sumampalataya na kung sakaling niloloob ni Allāh ay talaga sanang nagpatnubay Siya sa mga tao sa kalahatan? Hindi natitigil ang mga tumangging sumampalataya na may tumatama sa kanila dahil sa pinaggagawa nila na isang dagok o dadapo ito nang malapit mula sa tahanan nila hanggang sa dumating ang pangako ni Allāh. Tunay na si Allāh ay hindi sumisira sa pangako.

13:32

وَلَقَدِ ٱسۡتُهۡزِئَ بِرُسُلٖ مِّن قَبۡلِكَ فَأَمۡلَيۡتُ لِلَّذِينَ كَفَرُواْ ثُمَّ أَخَذۡتُهُمۡۖ فَكَيۡفَ كَانَ عِقَابِ ﴿32﴾

Talaga ngang nangutya sa mga sugo bago mo pa ngunit nagpalugit Ako sa mga tumangging sumampalataya. Pagkatapos dumaklot Ako sa kanila, kaya papaano naging ang parusa Ko?

13:33

أَفَمَنۡ هُوَ قَآئِمٌ عَلَىٰ كُلِّ نَفۡسِۭ بِمَا كَسَبَتۡۗ وَجَعَلُواْ لِلَّهِ شُرَكَآءَ قُلۡ سَمُّوهُمۡۚ أَمۡ تُنَبِّـُٔونَهُۥ بِمَا لَا يَعۡلَمُ فِي ٱلۡأَرۡضِ أَم بِظَٰهِرٖ مِّنَ ٱلۡقَوۡلِۗ بَلۡ زُيِّنَ لِلَّذِينَ كَفَرُواْ مَكۡرُهُمۡ وَصُدُّواْ عَنِ ٱلسَّبِيلِۗ وَمَن يُضۡلِلِ ٱللَّهُ فَمَا لَهُۥ مِنۡ هَادٖ ﴿33﴾

Kaya ba ang sinumang siya ay isang tagapagpanatili sa bawat kaluluwa, [na nakaaalam] sa anumang nakamit nito [ay gaya ng iba]? Gumawa sila para kay Allāh ng mga katambal. Sabihin mo: "Pangalanan ninyo sila. O nagbabalita ba kayo sa Kanya hinggil sa hindi Niya nalalaman sa lupa o hinggil sa isang hayag mula sa sinabi?" Bagkus ipinaakit para sa mga tumangging sumampalataya ang panlalansi nila at sinagabalan sila palayo sa landas. Ang sinumang ililigaw ni Allāh ay walang ukol sa kanya na anumang tagapagpatnubay.

13:34

لَّهُمۡ عَذَابٞ فِي ٱلۡحَيَوٰةِ ٱلدُّنۡيَاۖ وَلَعَذَابُ ٱلۡأٓخِرَةِ أَشَقُّۖ وَمَا لَهُم مِّنَ ٱللَّهِ مِن وَاقٖ ﴿34﴾

Ukol sa kanila ay isang pagdurusa sa buhay na pangmundo at talagang ang pagdurusa sa Kabilang-buhay ay higit na mahirap. Walang ukol sa kanila laban kay Allāh na anumang tagasangga.