quranm◉

Pahina 483

Range
from 42:1 to 42:10
Surahs covered
Salin
10 Salin

◉

42:1

حمٓ ﴿1﴾

Ḥā. Mīm.

42:2

عٓسٓقٓ ﴿2﴾

`Ayn. Sīn. Qāf.

42:3

كَذَٰلِكَ يُوحِيٓ إِلَيۡكَ وَإِلَى ٱلَّذِينَ مِن قَبۡلِكَ ٱللَّهُ ٱلۡعَزِيزُ ٱلۡحَكِيمُ ﴿3﴾

Gayon nagkakasi sa iyo at sa mga nauna pa sa iyo si Allāh, ang Makapangyarihan, ang Marunong.

42:4

لَهُۥ مَا فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَمَا فِي ٱلۡأَرۡضِۖ وَهُوَ ٱلۡعَلِيُّ ٱلۡعَظِيمُ ﴿4﴾

Sa Kanya ang anumang nasa mga langit at ang anumang nasa lupa. Siya ay ang Mataas, ang Sukdulan.

42:5

تَكَادُ ٱلسَّمَٰوَٰتُ يَتَفَطَّرۡنَ مِن فَوۡقِهِنَّۚ وَٱلۡمَلَـٰٓئِكَةُ يُسَبِّحُونَ بِحَمۡدِ رَبِّهِمۡ وَيَسۡتَغۡفِرُونَ لِمَن فِي ٱلۡأَرۡضِۗ أَلَآ إِنَّ ٱللَّهَ هُوَ ٱلۡغَفُورُ ٱلرَّحِيمُ ﴿5﴾

Halos ang mga langit ay nagkakabitak-bitak mula sa ibabaw ng mga ito samantalang ang mga anghel ay nagluluwalhati kalakip ng pagpupuri sa Panginoon nila at humihingi ng tawad para sa sinumang nasa lupa. Pansinin, tunay na si Allāh ay ang Mapagpatawad, ang Maawain.

42:6

وَٱلَّذِينَ ٱتَّخَذُواْ مِن دُونِهِۦٓ أَوۡلِيَآءَ ٱللَّهُ حَفِيظٌ عَلَيۡهِمۡ وَمَآ أَنتَ عَلَيۡهِم بِوَكِيلٖ ﴿6﴾

Ang mga gumawa sa bukod pa sa Kanya bilang mga katangkilik, si Allāh ay Mapag-ingat sa kanila at ikaw sa kanila ay hindi isang pinananaligan.

42:7

وَكَذَٰلِكَ أَوۡحَيۡنَآ إِلَيۡكَ قُرۡءَانًا عَرَبِيّٗا لِّتُنذِرَ أُمَّ ٱلۡقُرَىٰ وَمَنۡ حَوۡلَهَا وَتُنذِرَ يَوۡمَ ٱلۡجَمۡعِ لَا رَيۡبَ فِيهِۚ فَرِيقٞ فِي ٱلۡجَنَّةِ وَفَرِيقٞ فِي ٱلسَّعِيرِ ﴿7﴾

Gayon Kami nagkasi sa iyo ng isang Qur’ān na Arabe upang magbabala ka sa Ina ng mga Pamayanan at sinumang nasa paligid nito at magbabala ka ng Araw ng Pagtipon, na walang pag-aalinlangan hinggil doon. May isang pangkat sa Hardin at may isang pangkat sa Liyab.

42:8

وَلَوۡ شَآءَ ٱللَّهُ لَجَعَلَهُمۡ أُمَّةٗ وَٰحِدَةٗ وَلَٰكِن يُدۡخِلُ مَن يَشَآءُ فِي رَحۡمَتِهِۦۚ وَٱلظَّـٰلِمُونَ مَا لَهُم مِّن وَلِيّٖ وَلَا نَصِيرٍ ﴿8﴾

Kung sakaling niloob ni Allāh ay talaga sanang gumawa Siya sa kanila bilang nag-iisang kalipunan ,subalit nagpapapasok Siya sa sinumang niloob Niya sa awa Niya. Ang mga tagalabag sa katarungan ay walang ukol sa kanila na anumang katangkilik ni mapag-adya.

42:9

أَمِ ٱتَّخَذُواْ مِن دُونِهِۦٓ أَوۡلِيَآءَۖ فَٱللَّهُ هُوَ ٱلۡوَلِيُّ وَهُوَ يُحۡيِ ٱلۡمَوۡتَىٰ وَهُوَ عَلَىٰ كُلِّ شَيۡءٖ قَدِيرٞ ﴿9﴾

O gumawa sila sa bukod pa sa Kanya ng mga katangkilik, gayong si Allāh ay ang Katangkilik. Siya ay ang nagbibigay-buhay sa mga patay. Siya sa bawat bagay ay May-kakayahan.

42:10

وَمَا ٱخۡتَلَفۡتُمۡ فِيهِ مِن شَيۡءٖ فَحُكۡمُهُۥٓ إِلَى ٱللَّهِۚ ذَٰلِكُمُ ٱللَّهُ رَبِّي عَلَيۡهِ تَوَكَّلۡتُ وَإِلَيۡهِ أُنِيبُ ﴿10﴾

Ang anumang nagkaiba-iba kayo hinggil sa anumang bagay, ang kahatulan nito ay sa kay Allāh. Iyon ay si Allāh, ang Panginoon ko; sa Kanya ako nanalig at tungo sa Kanya ako nagsisising bumabalik.