quranm◉

Mga paksa · tl (Pahina 6)

265 Ayah · Mga paksa · tl

Al-Jinn 72:14

وَأَنَّا مِنَّا ٱلۡمُسۡلِمُونَ وَمِنَّا ٱلۡقَٰسِطُونَۖ فَمَنۡ أَسۡلَمَ فَأُوْلَـٰٓئِكَ تَحَرَّوۡاْ رَشَدٗا ﴿١٤﴾

Na kami, kabilang sa amin ang mga tagapagpasakop at kabilang sa amin ang mga tagalihis; saka ang sinumang nagpasakop, ang mga iyon ay sumadya sa isang paggabay.

Al-Jinn 72:15

وَأَمَّا ٱلۡقَٰسِطُونَ فَكَانُواْ لِجَهَنَّمَ حَطَبٗا ﴿١٥﴾

Tungkol naman sa mga tagalihis, sila para sa Impiyerno ay magiging mga panggatong.'

Al-Jinn 72:16

وَأَلَّوِ ٱسۡتَقَٰمُواْ عَلَى ٱلطَّرِيقَةِ لَأَسۡقَيۡنَٰهُم مَّآءً غَدَقٗا ﴿١٦﴾

Na kung sakaling nagpakatuwid sila sa daan ay talaga sanang nagpatubig Kami sa kanila ng isang tubig na masagana

Al-Jinn 72:17

لِّنَفۡتِنَهُمۡ فِيهِۚ وَمَن يُعۡرِضۡ عَن ذِكۡرِ رَبِّهِۦ يَسۡلُكۡهُ عَذَابٗا صَعَدٗا ﴿١٧﴾

upang sumubok Kami sa kanila dito. Ang sinumang aayaw sa paalaala ng Panginoon nito ay magsisingit Siya rito sa isang pagdurusang paakyat.

Al-Jinn 72:18

وَأَنَّ ٱلۡمَسَٰجِدَ لِلَّهِ فَلَا تَدۡعُواْ مَعَ ٱللَّهِ أَحَدٗا ﴿١٨﴾

Na ang mga masjid ay ukol kay Allāh, kaya huwag kayong manalangin kasama kay Allāh sa isa man.

Al-Jinn 72:19

وَأَنَّهُۥ لَمَّا قَامَ عَبۡدُ ٱللَّهِ يَدۡعُوهُ كَادُواْ يَكُونُونَ عَلَيۡهِ لِبَدٗا ﴿١٩﴾

Na noong tumindig ang lingkod ni Allāh habang dumadalangin sa Kanya, halos sila sa kanya ay nagiging patung-patong."

Al-Jinn 72:20

قُلۡ إِنَّمَآ أَدۡعُواْ رَبِّي وَلَآ أُشۡرِكُ بِهِۦٓ أَحَدٗا ﴿٢٠﴾

Sabihin mo: "Dumadalangin ako sa Panginoon ko lamang at hindi ako nagtatambal sa Kanya ng isa man."

Al-Jinn 72:21

قُلۡ إِنِّي لَآ أَمۡلِكُ لَكُمۡ ضَرّٗا وَلَا رَشَدٗا ﴿٢١﴾

Sabihin mo: "Tunay na ako ay hindi nakapagdudulot sa inyo ng isang pinsala ni isang paggabay."

Al-Jinn 72:22

قُلۡ إِنِّي لَن يُجِيرَنِي مِنَ ٱللَّهِ أَحَدٞ وَلَنۡ أَجِدَ مِن دُونِهِۦ مُلۡتَحَدًا ﴿٢٢﴾

Sabihin mo: "Tunay na ako ay hindi kakalingain laban kay Allāh ng isa man at hindi makatatagpo bukod pa sa Kanya ng isang madadaupan,

Al-Jinn 72:23

إِلَّا بَلَٰغٗا مِّنَ ٱللَّهِ وَرِسَٰلَٰتِهِۦۚ وَمَن يَعۡصِ ٱللَّهَ وَرَسُولَهُۥ فَإِنَّ لَهُۥ نَارَ جَهَنَّمَ خَٰلِدِينَ فِيهَآ أَبَدًا ﴿٢٣﴾

ngunit [makapagdudulot ako] ng isang pagpapaabot mula kay Allāh at mga pasugo Niya." Ang mga sumusuway kay Allāh at sa Sugo Niya ay tunay na ukol sa kanila ang Apoy ng Impiyerno bilang mga mananatili roon magpakailanman.

Al-Jinn 72:24

حَتَّىٰٓ إِذَا رَأَوۡاْ مَا يُوعَدُونَ فَسَيَعۡلَمُونَ مَنۡ أَضۡعَفُ نَاصِرٗا وَأَقَلُّ عَدَدٗا ﴿٢٤﴾

Hanggang sa kapag nakita nila ang ipinangako sa kanila ay makaaalam sila kung sino ang higit na mahina sa tagapag-adya at higit na kaunti sa bilang.

Al-Jinn 72:25

قُلۡ إِنۡ أَدۡرِيٓ أَقَرِيبٞ مَّا تُوعَدُونَ أَمۡ يَجۡعَلُ لَهُۥ رَبِّيٓ أَمَدًا ﴿٢٥﴾

Sabihin mo: "Hindi ako nakababatid kung malapit ba ang ipinangako sa inyo o maglalagay para rito ang Panginoon ko ng isang [mahabang] yugto."

Al-Jinn 72:26

عَٰلِمُ ٱلۡغَيۡبِ فَلَا يُظۡهِرُ عَلَىٰ غَيۡبِهِۦٓ أَحَدًا ﴿٢٦﴾

[Siya] ang Nakaaalam sa Lingid, saka hindi Siya naghahayag sa Lingid Niya sa isa man,

Al-Jinn 72:27

إِلَّا مَنِ ٱرۡتَضَىٰ مِن رَّسُولٖ فَإِنَّهُۥ يَسۡلُكُ مِنۢ بَيۡنِ يَدَيۡهِ وَمِنۡ خَلۡفِهِۦ رَصَدٗا ﴿٢٧﴾

maliban sa sinumang kinalugdan Niya na isang sugo sapagkat tunay na Siya ay nagpapatahak mula sa harapan nito at mula sa likuran nito ng [mga anghel na nakatambang

Al-Jinn 72:28

لِّيَعۡلَمَ أَن قَدۡ أَبۡلَغُواْ رِسَٰلَٰتِ رَبِّهِمۡ وَأَحَاطَ بِمَا لَدَيۡهِمۡ وَأَحۡصَىٰ كُلَّ شَيۡءٍ عَدَدَۢا ﴿٢٨﴾

upang makaalam ito na nagpaabot nga sila ng mga pasugo ng Panginoon nila. Sumaklaw Siya sa anumang taglay nila at nag-isa-isa Siya sa bawat bagay sa bilang.

Mga paksa