quranm◉

Pahina 264

Range
from 15:32 to 15:51
Surahs covered
Salin
20 Salin

◉

15:32

قَالَ يَـٰٓإِبۡلِيسُ مَا لَكَ أَلَّا تَكُونَ مَعَ ٱلسَّـٰجِدِينَ ﴿32﴾

Nagsabi Siya: "O Satanas, ano ang mayroon sa iyo na hindi ka maging kasama sa mga tagapagpatirapa."

15:33

قَالَ لَمۡ أَكُن لِّأَسۡجُدَ لِبَشَرٍ خَلَقۡتَهُۥ مِن صَلۡصَٰلٖ مِّنۡ حَمَإٖ مَّسۡنُونٖ ﴿33﴾

Nagsabi ito: "Hindi nangyaring ukol sa akin na magpatirapa sa isang mortal na nilikha Mo mula sa kumakalansing na luwad mula sa burak na inanyuan."

15:34

قَالَ فَٱخۡرُجۡ مِنۡهَا فَإِنَّكَ رَجِيمٞ ﴿34﴾

Nagsabi Siya: "Kaya lumabas ka mula riyan sapagkat tunay na ikaw ay pinagtabuyan,

15:35

وَإِنَّ عَلَيۡكَ ٱللَّعۡنَةَ إِلَىٰ يَوۡمِ ٱلدِّينِ ﴿35﴾

at tunay na sumaiyo ang sumpa hanggang sa Araw ng Paggagantimpala."

15:36

قَالَ رَبِّ فَأَنظِرۡنِيٓ إِلَىٰ يَوۡمِ يُبۡعَثُونَ ﴿36﴾

Nagsabi ito: "Panginoon ko, kaya magpaliban Ka sa akin hanggang sa Araw na bubuhayin sila."

15:37

قَالَ فَإِنَّكَ مِنَ ٱلۡمُنظَرِينَ ﴿37﴾

Nagsabi Siya: "Kaya tunay na ikaw ay kabilang sa mga ipinagpapaliban

15:38

إِلَىٰ يَوۡمِ ٱلۡوَقۡتِ ٱلۡمَعۡلُومِ ﴿38﴾

hanggang sa araw ng panahong nalalaman."

15:39

قَالَ رَبِّ بِمَآ أَغۡوَيۡتَنِي لَأُزَيِّنَنَّ لَهُمۡ فِي ٱلۡأَرۡضِ وَلَأُغۡوِيَنَّهُمۡ أَجۡمَعِينَ ﴿39﴾

Nagsabi ito: "Panginoon ko, dahil naglisya Ka sa akin, talagang mang-aakit nga ako sa kanila sa lupa at talagang maglilisya nga ako sa kanila nang magkakasama,

15:40

إِلَّا عِبَادَكَ مِنۡهُمُ ٱلۡمُخۡلَصِينَ ﴿40﴾

maliban sa mga lingkod Mo kabilang sa kanila ang mga itinangi."

15:41

قَالَ هَٰذَا صِرَٰطٌ عَلَيَّ مُسۡتَقِيمٌ ﴿41﴾

Nagsabi Siya: "Ito ay isang landasin sa Akin na tuwid.

15:42

إِنَّ عِبَادِي لَيۡسَ لَكَ عَلَيۡهِمۡ سُلۡطَٰنٌ إِلَّا مَنِ ٱتَّبَعَكَ مِنَ ٱلۡغَاوِينَ ﴿42﴾

Tunay na ang mga lingkod Ko ay walang ukol sa iyo na kapamahalaanan sa kanila, maliban sa sinumang sumunod sa iyo kabilang sa mga nalilisya.

15:43

وَإِنَّ جَهَنَّمَ لَمَوۡعِدُهُمۡ أَجۡمَعِينَ ﴿43﴾

Tunay na ang Impiyerno ay talagang ang tipanan nila nang magkakasama.

15:44

لَهَا سَبۡعَةُ أَبۡوَٰبٖ لِّكُلِّ بَابٖ مِّنۡهُمۡ جُزۡءٞ مَّقۡسُومٌ ﴿44﴾

Mayroon itong pitong pinto; para sa bawat pinto, mula sa kanila ay may isang bahaging itinalaga."

15:45

إِنَّ ٱلۡمُتَّقِينَ فِي جَنَّـٰتٖ وَعُيُونٍ ﴿45﴾

Tunay na ang mga tagapangilag magkasala ay nasa mga hardin at mga bukal.

15:46

ٱدۡخُلُوهَا بِسَلَٰمٍ ءَامِنِينَ ﴿46﴾

[Sasabihin:] "Pumasok kayo sa mga ito nang may kapayapaan habang mga natitiwasay."

15:47

وَنَزَعۡنَا مَا فِي صُدُورِهِم مِّنۡ غِلٍّ إِخۡوَٰنًا عَلَىٰ سُرُرٖ مُّتَقَٰبِلِينَ ﴿47﴾

Magtatanggal Kami ng anumang nasa mga dibdib nila na hinanakit bilang magkakapatid habang nasa mga kama na mga nagkakaharapan.

15:48

لَا يَمَسُّهُمۡ فِيهَا نَصَبٞ وَمَا هُم مِّنۡهَا بِمُخۡرَجِينَ ﴿48﴾

Walang sasaling sa kanila roon na isang pagkapagal at hindi sila mula roon mga palalabasin.

15:49

نَبِّئۡ عِبَادِيٓ أَنِّيٓ أَنَا ٱلۡغَفُورُ ٱلرَّحِيمُ ﴿49﴾

Magbalita ka sa mga lingkod Ko na Ako ay ang Mapagpatawad, ang Maawain,

15:50

وَأَنَّ عَذَابِي هُوَ ٱلۡعَذَابُ ٱلۡأَلِيمُ ﴿50﴾

at na ang pagdurusang dulot Ko ay ang pagdurusang masakit.

15:51

وَنَبِّئۡهُمۡ عَن ضَيۡفِ إِبۡرَٰهِيمَ ﴿51﴾

Magbalita ka sa kanila tungkol sa mga panauhin ni Abraham.