quranm◉

Pahina 265

Range
from 15:52 to 15:70
Surahs covered
Salin
19 Salin

◉

15:52

إِذۡ دَخَلُواْ عَلَيۡهِ فَقَالُواْ سَلَٰمٗا قَالَ إِنَّا مِنكُمۡ وَجِلُونَ ﴿52﴾

Noong pumasok sila sa kanya at nagsabi sila: "Kapayapaan" ay nagsabi siya: "Tunay na kami sa inyo ay mga nasisindak."

15:53

قَالُواْ لَا تَوۡجَلۡ إِنَّا نُبَشِّرُكَ بِغُلَٰمٍ عَلِيمٖ ﴿53﴾

Nagsabi sila: "Huwag kang mabagabag; tunay na kami ay magbabalita ng nakagagalak sa iyo hinggil sa isang batang lalaking maalam."

15:54

قَالَ أَبَشَّرۡتُمُونِي عَلَىٰٓ أَن مَّسَّنِيَ ٱلۡكِبَرُ فَبِمَ تُبَشِّرُونَ ﴿54﴾

Nagsabi siya: "Nagbalita ba kayo ng nakagagalak sa akin sa kabila na sumaling sa akin ang kagulangan? Kaya hinggil sa ano nagbabalita kayo ng nakagagalak sa akin?"

15:55

قَالُواْ بَشَّرۡنَٰكَ بِٱلۡحَقِّ فَلَا تَكُن مِّنَ ٱلۡقَٰنِطِينَ ﴿55﴾

Nagsabi sila: "Nagbalita kami ng nakagagalak sa iyo hinggil sa katotohanan kaya huwag kang maging kabilang sa mga nalalagutan ng pag-asa."

15:56

قَالَ وَمَن يَقۡنَطُ مِن رَّحۡمَةِ رَبِّهِۦٓ إِلَّا ٱلضَّآلُّونَ ﴿56﴾

Nagsabi siya: "Sino ang nalalagutan ng pag-asa sa awa ng Panginoon niya maliban sa mga ligaw?"

15:57

قَالَ فَمَا خَطۡبُكُمۡ أَيُّهَا ٱلۡمُرۡسَلُونَ ﴿57﴾

Nagsabi siya: "Kaya ano ang pakay ninyo, O mga isinugo?"

15:58

قَالُوٓاْ إِنَّآ أُرۡسِلۡنَآ إِلَىٰ قَوۡمٖ مُّجۡرِمِينَ ﴿58﴾

Nagsabi sila: "Tunay na kami ay isinugo sa mga taong salarin,

15:59

إِلَّآ ءَالَ لُوطٍ إِنَّا لَمُنَجُّوهُمۡ أَجۡمَعِينَ ﴿59﴾

maliban sa mag-anak ni Lot; tunay na kami ay mga magliligtas sa kanila nang magkakasama,

15:60

إِلَّا ٱمۡرَأَتَهُۥ قَدَّرۡنَآ إِنَّهَا لَمِنَ ٱلۡغَٰبِرِينَ ﴿60﴾

maliban sa maybahay niya [sapagkat nagsabi si Allāh:] Nagtakda Kami na tunay na ito ay talagang kabilang sa mga magpapaiwan."

15:61

فَلَمَّا جَآءَ ءَالَ لُوطٍ ٱلۡمُرۡسَلُونَ ﴿61﴾

Kaya noong dumating sa mag-anak ni Lot ang mga isinugo,

15:62

قَالَ إِنَّكُمۡ قَوۡمٞ مُّنكَرُونَ ﴿62﴾

nagsabi siya: "Tunay na kayo ay mga taong di-kilala."

15:63

قَالُواْ بَلۡ جِئۡنَٰكَ بِمَا كَانُواْ فِيهِ يَمۡتَرُونَ ﴿63﴾

Nagsabi sila: "Bagkus naghatid kami sa iyo ng bagay na sila noon hinggil dito ay nag-aalangan.

15:64

وَأَتَيۡنَٰكَ بِٱلۡحَقِّ وَإِنَّا لَصَٰدِقُونَ ﴿64﴾

Nagdala kami sa iyo ng katotohanan at tunay na kami ay talagang mga tapat.

15:65

فَأَسۡرِ بِأَهۡلِكَ بِقِطۡعٖ مِّنَ ٱلَّيۡلِ وَٱتَّبِعۡ أَدۡبَٰرَهُمۡ وَلَا يَلۡتَفِتۡ مِنكُمۡ أَحَدٞ وَٱمۡضُواْ حَيۡثُ تُؤۡمَرُونَ ﴿65﴾

Kaya lumisan ka kasama ng mag-anak mo sa isang bahagi ng gabi. Sumunod ka sa mga likuran nila at walang lilingon kabilang sa inyo na isa man. Tumuloy kayo sa kung saan kayo uutusan."

15:66

وَقَضَيۡنَآ إِلَيۡهِ ذَٰلِكَ ٱلۡأَمۡرَ أَنَّ دَابِرَ هَـٰٓؤُلَآءِ مَقۡطُوعٞ مُّصۡبِحِينَ ﴿66﴾

Nagsiwalat Kami sa kanya ng bagay na iyon: na ang pinag-ugatan ng mga ito ay puputulin kapag inumaga.

15:67

وَجَآءَ أَهۡلُ ٱلۡمَدِينَةِ يَسۡتَبۡشِرُونَ ﴿67﴾

Dumating ang mga naninirahan sa lungsod na nagagalak.

15:68

قَالَ إِنَّ هَـٰٓؤُلَآءِ ضَيۡفِي فَلَا تَفۡضَحُونِ ﴿68﴾

Nagsabi siya: "Ang mga ito ay mga panauhin ko kaya huwag kayong mag-iskandalo sa akin.

15:69

وَٱتَّقُواْ ٱللَّهَ وَلَا تُخۡزُونِ ﴿69﴾

Mangilag kayong magkasala kay Allāh at huwag ninyo akong dustain."

15:70

قَالُوٓاْ أَوَلَمۡ نَنۡهَكَ عَنِ ٱلۡعَٰلَمِينَ ﴿70﴾

Nagsabi sila: "Hindi ba sumaway kami sa iyo laban sa mga nilalang?"