quranm◉

Pahina 266

Range
from 15:71 to 15:90
Surahs covered
Salin
20 Salin

◉

15:71

قَالَ هَـٰٓؤُلَآءِ بَنَاتِيٓ إِن كُنتُمۡ فَٰعِلِينَ ﴿71﴾

Nagsabi siya: "Ang mga ito ay mga babaing anak ko, kung nangyaring kayo ay mga magsasagawa [ng kasal]."

15:72

لَعَمۡرُكَ إِنَّهُمۡ لَفِي سَكۡرَتِهِمۡ يَعۡمَهُونَ ﴿72﴾

Sumpa man sa buhay mo, tunay na sila ay talagang nasa kalanguan nila habang nag-aapuhap sila.

15:73

فَأَخَذَتۡهُمُ ٱلصَّيۡحَةُ مُشۡرِقِينَ ﴿73﴾

Kaya dumaklot sa kanila ang sigaw nang sumisikat [sa kanila ang araw].

15:74

فَجَعَلۡنَا عَٰلِيَهَا سَافِلَهَا وَأَمۡطَرۡنَا عَلَيۡهِمۡ حِجَارَةٗ مِّن سِجِّيلٍ ﴿74﴾

Kaya gumawa Kami sa itaas nito na naging ibaba nito. Nagpaulan Kami sa kanila ng mga batong yari sa nanigas na luwad.

15:75

إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَأٓيَٰتٖ لِّلۡمُتَوَسِّمِينَ ﴿75﴾

Tunay na sa gayon ay talagang may mga tanda para sa mga tagapaghinuha.

15:76

وَإِنَّهَا لَبِسَبِيلٖ مُّقِيمٍ ﴿76﴾

Tunay na ito ay talagang nasa isang landas na nananatili.

15:77

إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَأٓيَةٗ لِّلۡمُؤۡمِنِينَ ﴿77﴾

Tunay na sa gayon ay talagang may tanda para sa mga mananampalataya.

15:78

وَإِن كَانَ أَصۡحَٰبُ ٱلۡأَيۡكَةِ لَظَٰلِمِينَ ﴿78﴾

Tunay na noon ang mga naninirahan sa kasukalan ay talagang mga tagalabag sa katarungan.

15:79

فَٱنتَقَمۡنَا مِنۡهُمۡ وَإِنَّهُمَا لَبِإِمَامٖ مُّبِينٖ ﴿79﴾

Kaya naghiganti Kami sa kanila. Tunay na ang dalawang [lungsod na] ito ay talagang nasa isang daanang malinaw.

15:80

وَلَقَدۡ كَذَّبَ أَصۡحَٰبُ ٱلۡحِجۡرِ ٱلۡمُرۡسَلِينَ ﴿80﴾

Talaga ngang nagpasinungaling ang mga mamamayan ng Batuhan sa mga isinugo.

15:81

وَءَاتَيۡنَٰهُمۡ ءَايَٰتِنَا فَكَانُواْ عَنۡهَا مُعۡرِضِينَ ﴿81﴾

Nagbigay Kami sa kanila ng mga tanda Namin ngunit sila noon sa mga ito ay mga tagaayaw.

15:82

وَكَانُواْ يَنۡحِتُونَ مِنَ ٱلۡجِبَالِ بُيُوتًا ءَامِنِينَ ﴿82﴾

Sila noon ay lumililok mula sa mga bundok ng mga bahay bilang mga matiwasay.

15:83

فَأَخَذَتۡهُمُ ٱلصَّيۡحَةُ مُصۡبِحِينَ ﴿83﴾

Ngunit dumaklot sa kanila ang sigaw nang inumaga.

15:84

فَمَآ أَغۡنَىٰ عَنۡهُم مَّا كَانُواْ يَكۡسِبُونَ ﴿84﴾

Kaya walang naidulot para sa kanila ang anumang dating nakakamit nila.

15:85

وَمَا خَلَقۡنَا ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضَ وَمَا بَيۡنَهُمَآ إِلَّا بِٱلۡحَقِّۗ وَإِنَّ ٱلسَّاعَةَ لَأٓتِيَةٞۖ فَٱصۡفَحِ ٱلصَّفۡحَ ٱلۡجَمِيلَ ﴿85﴾

Hindi Kami lumikha ng mga langit at lupa at anumang nasa pagitan ng mga ito malibang ayon sa katotohanan. Tunay na ang Huling Sandali ay talagang darating kaya magpalampas ka nang pagpapalampas na marilag.

15:86

إِنَّ رَبَّكَ هُوَ ٱلۡخَلَّـٰقُ ٱلۡعَلِيمُ ﴿86﴾

Tunay na ang Panginoon mo ay ang Palalikha, ang Maalam.

15:87

وَلَقَدۡ ءَاتَيۡنَٰكَ سَبۡعٗا مِّنَ ٱلۡمَثَانِي وَٱلۡقُرۡءَانَ ٱلۡعَظِيمَ ﴿87﴾

Talaga ngang nagbigay Kami sa iyo ng pito mula mga inuulit-ulit at Dakilang Qur’ān.

15:88

لَا تَمُدَّنَّ عَيۡنَيۡكَ إِلَىٰ مَا مَتَّعۡنَا بِهِۦٓ أَزۡوَٰجٗا مِّنۡهُمۡ وَلَا تَحۡزَنۡ عَلَيۡهِمۡ وَٱخۡفِضۡ جَنَاحَكَ لِلۡمُؤۡمِنِينَ ﴿88﴾

Huwag ka ngang magpatagal ng mga mata mo sa anumang ipinatamasa Namin na mga uri mula sa kanila, huwag kang malungkot sa kanila, at magbaba ka ng loob mo para sa mga mananampalataya.

15:89

وَقُلۡ إِنِّيٓ أَنَا ٱلنَّذِيرُ ٱلۡمُبِينُ ﴿89﴾

Sabihin mo: "Tunay na ako mismo ay ang mapagbabalang malinaw,"

15:90

كَمَآ أَنزَلۡنَا عَلَى ٱلۡمُقۡتَسِمِينَ ﴿90﴾

gaya ng nagpababa Kami sa mga nagkahati-hati,