quranm◉

Pahina 327

Range
from 21:58 to 21:72
Surahs covered
Salin
15 Salin

◉

21:58

فَجَعَلَهُمۡ جُذَٰذًا إِلَّا كَبِيرٗا لَّهُمۡ لَعَلَّهُمۡ إِلَيۡهِ يَرۡجِعُونَ ﴿58﴾

Kaya gumawa siya sa mga ito na mga pira-piraso maliban sa isang malaki para sa mga ito nang sa gayon sila tungo rito ay babalik.

21:59

قَالُواْ مَن فَعَلَ هَٰذَا بِـَٔالِهَتِنَآ إِنَّهُۥ لَمِنَ ٱلظَّـٰلِمِينَ ﴿59﴾

Nagsabi sila: "Sino ang gumawa nito sa mga diyos natin? Tunay na siya ay talagang kabilang sa mga tagalabag sa katarungan."

21:60

قَالُواْ سَمِعۡنَا فَتٗى يَذۡكُرُهُمۡ يُقَالُ لَهُۥٓ إِبۡرَٰهِيمُ ﴿60﴾

Nagsabi sila: "Nakarinig kami ng isang binatang bumabanggit sa kanila, na sinasabi siyang si Abraham."

21:61

قَالُواْ فَأۡتُواْ بِهِۦ عَلَىٰٓ أَعۡيُنِ ٱلنَّاسِ لَعَلَّهُمۡ يَشۡهَدُونَ ﴿61﴾

Nagsabi sila: "Kaya magdala kayo sa kanya sa mga mata ng mga tao nang sa gayon sila ay sasaksi."

21:62

قَالُوٓاْ ءَأَنتَ فَعَلۡتَ هَٰذَا بِـَٔالِهَتِنَا يَـٰٓإِبۡرَٰهِيمُ ﴿62﴾

Nagsabi sila: "Ikaw ba ay gumawa nito sa mga diyos namin, o Abraham?"

21:63

قَالَ بَلۡ فَعَلَهُۥ كَبِيرُهُمۡ هَٰذَا فَسۡـَٔلُوهُمۡ إِن كَانُواْ يَنطِقُونَ ﴿63﴾

Nagsabi siya: "Bagkus ginawa iyan ng malaki nilang ito kaya magtanong kayo sa kanila kung sila ay nakabibigkas."

21:64

فَرَجَعُوٓاْ إِلَىٰٓ أَنفُسِهِمۡ فَقَالُوٓاْ إِنَّكُمۡ أَنتُمُ ٱلظَّـٰلِمُونَ ﴿64﴾

Kaya bumalik sila sa mga sarili nila saka nagsabi sila: "Tunay na kayo ay ang mga tagalabag sa katarungan."

21:65

ثُمَّ نُكِسُواْ عَلَىٰ رُءُوسِهِمۡ لَقَدۡ عَلِمۡتَ مَا هَـٰٓؤُلَآءِ يَنطِقُونَ ﴿65﴾

Pagkatapos nanumbalik sila sa [katigasan ng] mga ulo nila, [na nagsasabi]: "Talaga ngang nalaman mong ang mga ito ay hindi nakabibigkas."

21:66

قَالَ أَفَتَعۡبُدُونَ مِن دُونِ ٱللَّهِ مَا لَا يَنفَعُكُمۡ شَيۡـٔٗا وَلَا يَضُرُّكُمۡ ﴿66﴾

Nagsabi siya: "Kaya sumasamba ba kayo sa bukod pa kay Allāh, na hindi nagpapakinabang sa inyo ng anuman at hindi nakapipinsala sa inyo?

21:67

أُفّٖ لَّكُمۡ وَلِمَا تَعۡبُدُونَ مِن دُونِ ٱللَّهِۚ أَفَلَا تَعۡقِلُونَ ﴿67﴾

Pagkasuya ay sa inyo at ukol sa anumang sinasamba ninyo bukod pa kay Allāh! Kaya ba hindi kayo nakapag-uunawa?"

21:68

قَالُواْ حَرِّقُوهُ وَٱنصُرُوٓاْ ءَالِهَتَكُمۡ إِن كُنتُمۡ فَٰعِلِينَ ﴿68﴾

Nagsabi sila: "Sunugin ninyo siya at iadya ninyo ang mga diyos ninyo kung kayo ay mga gagawa."

21:69

قُلۡنَا يَٰنَارُ كُونِي بَرۡدٗا وَسَلَٰمًا عَلَىٰٓ إِبۡرَٰهِيمَ ﴿69﴾

Nagsabi Kami: "O apoy, maging kalamigan at kaligtasan ka kay Abraham."

21:70

وَأَرَادُواْ بِهِۦ كَيۡدٗا فَجَعَلۡنَٰهُمُ ٱلۡأَخۡسَرِينَ ﴿70﴾

Nagnais sila sa kanya ng isang pakana ngunit ginawa Namin silang ang mga pinakalugi.

21:71

وَنَجَّيۡنَٰهُ وَلُوطًا إِلَى ٱلۡأَرۡضِ ٱلَّتِي بَٰرَكۡنَا فِيهَا لِلۡعَٰلَمِينَ ﴿71﴾

Nagligtas Kami sa kanya at kay Lot tungo sa lupaing nagpala Kami roon para sa mga nilalang.

21:72

وَوَهَبۡنَا لَهُۥٓ إِسۡحَٰقَ وَيَعۡقُوبَ نَافِلَةٗۖ وَكُلّٗا جَعَلۡنَا صَٰلِحِينَ ﴿72﴾

Nagkaloob Kami para sa kanya kina Isaac at Jacob bilang dagdag. Bawat isa ay ginawa Naming mga maayos.