وَٱلنَّجۡمِ إِذَا هَوَىٰ ﴿1﴾وَٱلنَّجۡمِ إِذَا هَوَىٰ
Sumpa man sa bituin kapag lumubog ito,
وَٱلنَّجۡمِ إِذَا هَوَىٰ ﴿1﴾وَٱلنَّجۡمِ إِذَا هَوَىٰ
Sumpa man sa bituin kapag lumubog ito,
مَا ضَلَّ صَاحِبُكُمۡ وَمَا غَوَىٰ ﴿2﴾مَا ضَلَّ صَاحِبُكُمۡ وَمَا غَوَىٰ
Hindi naligaw ang kasamahan ninyo at hindi siya nalisya.
وَمَا يَنطِقُ عَنِ ٱلۡهَوَىٰٓ ﴿3﴾وَمَا يَنطِقُ عَنِ ٱلۡهَوَىٰٓ
Hindi siya bumibigkas ayon sa pithaya.
إِنۡ هُوَ إِلَّا وَحۡيٞ يُوحَىٰ ﴿4﴾إِنۡ هُوَ إِلَّا وَحۡيٞ يُوحَىٰ
Walang iba ito kundi isang kasi na ikinakasi sa kanya.
عَلَّمَهُۥ شَدِيدُ ٱلۡقُوَىٰ ﴿5﴾عَلَّمَهُۥ شَدِيدُ ٱلۡقُوَىٰ
Nagturo sa kanya ang [anghel na] matindi ang lakas,
ذُو مِرَّةٖ فَٱسۡتَوَىٰ ﴿6﴾ذُو مِرَّةٖ فَٱسۡتَوَىٰ
na may kapangyarihan saka tumindig sa tunay na anyo,
وَهُوَ بِٱلۡأُفُقِ ٱلۡأَعۡلَىٰ ﴿7﴾وَهُوَ بِٱلۡأُفُقِ ٱلۡأَعۡلَىٰ
habang ito ay nasa [bahagi ng] abot-tanaw na pinakamataas.
ثُمَّ دَنَا فَتَدَلَّىٰ ﴿8﴾ثُمَّ دَنَا فَتَدَلَّىٰ
Pagkatapos lumapit ito saka nagpakalapit-lapit ito.
فَكَانَ قَابَ قَوۡسَيۡنِ أَوۡ أَدۡنَىٰ ﴿9﴾فَكَانَ قَابَ قَوۡسَيۡنِ أَوۡ أَدۡنَىٰ
Kaya ito ay naging nasa layong dalawang pana o higit na malapit.
فَأَوۡحَىٰٓ إِلَىٰ عَبۡدِهِۦ مَآ أَوۡحَىٰ ﴿10﴾فَأَوۡحَىٰٓ إِلَىٰ عَبۡدِهِۦ مَآ أَوۡحَىٰ
Kaya nagkasi ito sa lingkod Niya ng ikinasi Niya.
مَا كَذَبَ ٱلۡفُؤَادُ مَا رَأَىٰٓ ﴿11﴾مَا كَذَبَ ٱلۡفُؤَادُ مَا رَأَىٰٓ
Hindi nagsinungaling ang puso [ng Propeta] sa nakita niya.
أَفَتُمَٰرُونَهُۥ عَلَىٰ مَا يَرَىٰ ﴿12﴾أَفَتُمَٰرُونَهُۥ عَلَىٰ مَا يَرَىٰ
Kaya makikipagtaltalan ba kayo sa kanya sa nakikita niya?
وَلَقَدۡ رَءَاهُ نَزۡلَةً أُخۡرَىٰ ﴿13﴾وَلَقَدۡ رَءَاهُ نَزۡلَةً أُخۡرَىٰ
Talaga ngang nakita niya ito sa iba pang pagkababa,
عِندَ سِدۡرَةِ ٱلۡمُنتَهَىٰ ﴿14﴾عِندَ سِدۡرَةِ ٱلۡمُنتَهَىٰ
sa tabi ng [punong] Sidrah ng Pinagwawakasan,
عِندَهَا جَنَّةُ ٱلۡمَأۡوَىٰٓ ﴿15﴾عِندَهَا جَنَّةُ ٱلۡمَأۡوَىٰٓ
sa tabi nito ang Hardin ng Kanlungan,
إِذۡ يَغۡشَى ٱلسِّدۡرَةَ مَا يَغۡشَىٰ ﴿16﴾إِذۡ يَغۡشَى ٱلسِّدۡرَةَ مَا يَغۡشَىٰ
noong bumabalot sa [punong] Sidrah ang bumabalot.
مَا زَاغَ ٱلۡبَصَرُ وَمَا طَغَىٰ ﴿17﴾مَا زَاغَ ٱلۡبَصَرُ وَمَا طَغَىٰ
Hindi lumiko ang paningin [ng Propeta] at hindi ito lumampas.
لَقَدۡ رَأَىٰ مِنۡ ءَايَٰتِ رَبِّهِ ٱلۡكُبۡرَىٰٓ ﴿18﴾لَقَدۡ رَأَىٰ مِنۡ ءَايَٰتِ رَبِّهِ ٱلۡكُبۡرَىٰٓ
Talaga ngang may nakita siya mula sa pinakamalaking mga tanda ng Panginoon Niya.
أَفَرَءَيۡتُمُ ٱللَّـٰتَ وَٱلۡعُزَّىٰ ﴿19﴾أَفَرَءَيۡتُمُ ٱللَّـٰتَ وَٱلۡعُزَّىٰ
Kaya nagsaalang-alang ba kayo kina Allāt at Al`uzzā,
وَمَنَوٰةَ ٱلثَّالِثَةَ ٱلۡأُخۡرَىٰٓ ﴿20﴾وَمَنَوٰةَ ٱلثَّالِثَةَ ٱلۡأُخۡرَىٰٓ
at kay Manāh, ang ikatlong iba pa?
أَلَكُمُ ٱلذَّكَرُ وَلَهُ ٱلۡأُنثَىٰ ﴿21﴾أَلَكُمُ ٱلذَّكَرُ وَلَهُ ٱلۡأُنثَىٰ
Ukol ba sa inyo ang lalaki at ukol sa Kanya ang babae?
تِلۡكَ إِذٗا قِسۡمَةٞ ضِيزَىٰٓ ﴿22﴾تِلۡكَ إِذٗا قِسۡمَةٞ ضِيزَىٰٓ
Iyon, sa makatuwid, ay isang paghahating liku-liko.
إِنۡ هِيَ إِلَّآ أَسۡمَآءٞ سَمَّيۡتُمُوهَآ أَنتُمۡ وَءَابَآؤُكُم مَّآ أَنزَلَ ٱللَّهُ بِهَا مِن سُلۡطَٰنٍۚ إِن يَتَّبِعُونَ إِلَّا ٱلظَّنَّ وَمَا تَهۡوَى ٱلۡأَنفُسُۖ وَلَقَدۡ جَآءَهُم مِّن رَّبِّهِمُ ٱلۡهُدَىٰٓ ﴿23﴾إِنۡ هِيَ إِلَّآ أَسۡمَآءٞ سَمَّيۡتُمُوهَآ أَنتُمۡ وَءَابَآؤُكُم مَّآ أَنزَلَ ٱللَّهُ بِهَا مِن سُلۡطَٰنٍۚ إِن يَتَّبِعُونَ إِلَّا ٱلظَّنَّ وَمَا تَهۡوَى ٱلۡأَنفُسُۖ وَلَقَدۡ جَآءَهُم مِّن رَّبِّهِمُ ٱلۡهُدَىٰٓ
Walang iba ang mga [anitong] ito kundi mga pangalang ipinangalan ninyo mismo at ng mga ninuno ninyo. Hindi nagpababa si Allāh kaugnay sa mga ito ng anumang katunayan. Hindi sila sumusunod maliban sa pagpapalagay at pinipithaya ng mga sarili. Talaga ngang dumating sa kanila mula sa Panginoon nila ang patnubay.
أَمۡ لِلۡإِنسَٰنِ مَا تَمَنَّىٰ ﴿24﴾أَمۡ لِلۡإِنسَٰنِ مَا تَمَنَّىٰ
O ukol ba sa tao ang minithi niya?
فَلِلَّهِ ٱلۡأٓخِرَةُ وَٱلۡأُولَىٰ ﴿25﴾فَلِلَّهِ ٱلۡأٓخِرَةُ وَٱلۡأُولَىٰ
Ngunit sa kay Allāh ang huling buhay at ang unang buhay.
وَكَم مِّن مَّلَكٖ فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ لَا تُغۡنِي شَفَٰعَتُهُمۡ شَيۡـًٔا إِلَّا مِنۢ بَعۡدِ أَن يَأۡذَنَ ٱللَّهُ لِمَن يَشَآءُ وَيَرۡضَىٰٓ ﴿26﴾۞وَكَم مِّن مَّلَكٖ فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ لَا تُغۡنِي شَفَٰعَتُهُمۡ شَيۡـًٔا إِلَّا مِنۢ بَعۡدِ أَن يَأۡذَنَ ٱللَّهُ لِمَن يَشَآءُ وَيَرۡضَىٰٓ
Kay rami ng anghel sa mga langit na hindi nakapagdudulot ang pamamagitan nila ng anuman maliban nang matapos na magpahintulot si Allāh sa sinumang niloloob Niya at kinalulugdan Niya.