quranm◉

Surah Al-Qamar transliteration

◉ Sura · ∞

54:1

ٱقۡتَرَبَتِ ٱلسَّاعَةُ وَٱنشَقَّ ٱلۡقَمَرُ ﴿1﴾

Transliteration: Iqtarabati alssaAAatu wainshaqqa alqamaru

Translation: Napalapit ang Huling Sandali at nabiyak ang buwan.

54:2

وَإِن يَرَوۡاْ ءَايَةٗ يُعۡرِضُواْ وَيَقُولُواْ سِحۡرٞ مُّسۡتَمِرّٞ ﴿2﴾

Transliteration: Wain yaraw ayatan yuAAridoo wayaqooloo sihrun mustamirrun

Translation: Kung makakikita sila ng isang himala ay aayaw sila at magsasabi sila: "Isang panggagaway na nagpapatuloy."

54:3

وَكَذَّبُواْ وَٱتَّبَعُوٓاْ أَهۡوَآءَهُمۡۚ وَكُلُّ أَمۡرٖ مُّسۡتَقِرّٞ ﴿3﴾

Transliteration: Wakaththaboo waittabaAAoo ahwaahum wakullu amrin mustaqirrun

Translation: Nagpasinungaling sila at sumunod sila sa mga pithaya nila. Bawat bagay ay mananahan.

54:4

وَلَقَدۡ جَآءَهُم مِّنَ ٱلۡأَنۢبَآءِ مَا فِيهِ مُزۡدَجَرٌ ﴿4﴾

Transliteration: Walaqad jaahum mina alanbai ma feehi muzdajarun

Translation: Talaga ngang dumating sa kanila mula sa mga balita ang may pantaboy.

54:5

حِكۡمَةُۢ بَٰلِغَةٞۖ فَمَا تُغۡنِ ٱلنُّذُرُ ﴿5﴾

Transliteration: Hikmatun balighatun fama tughnee alnnuthuru

Translation: Isang masidhing karunungan, ngunit hindi nakapagpapakinabang ang mga mapagbabala.

54:6

فَتَوَلَّ عَنۡهُمۡۘ يَوۡمَ يَدۡعُ ٱلدَّاعِ إِلَىٰ شَيۡءٖ نُّكُرٍ ﴿6﴾

Transliteration: Fatawalla AAanhum yawma yadAAu alddaAAi ila shayin nukurin

Translation: Kaya tumalikod ka sa kanila sa araw na mananawagan ang tagapanawagan tungo sa isang bagay na kakila-kilabot.

54:7

خُشَّعًا أَبۡصَٰرُهُمۡ يَخۡرُجُونَ مِنَ ٱلۡأَجۡدَاثِ كَأَنَّهُمۡ جَرَادٞ مُّنتَشِرٞ ﴿7﴾

Transliteration: KhushshaAAan absaruhum yakhrujoona mina alajdathi kaannahum jaradun muntashirun

Translation: Habang mga nagpapakumbaba ang mga paningin nila, lalabas sila mula sa mga pinaglibingan na para bang sila ay mga balang na kumakalat,

54:8

مُّهۡطِعِينَ إِلَى ٱلدَّاعِۖ يَقُولُ ٱلۡكَٰفِرُونَ هَٰذَا يَوۡمٌ عَسِرٞ ﴿8﴾

Transliteration: MuhtiAAeena ila alddaAAi yaqoolu alkafiroona hatha yawmun AAasirun

Translation: na mga kumakaripas patungo sa tagatawag. Magsasabi ang mga tagatangging sumampalataya na ito ay isang araw na mahirap.

54:9

كَذَّبَتۡ قَبۡلَهُمۡ قَوۡمُ نُوحٖ فَكَذَّبُواْ عَبۡدَنَا وَقَالُواْ مَجۡنُونٞ وَٱزۡدُجِرَ ﴿9﴾

Transliteration: Kaththabat qablahum qawmu noohin fakaththaboo AAabdana waqaloo majnoonun waizdujira

Translation: Nagpasinungaling bago nila ang mga kababayan ni Noe sapagkat nagpasinungaling sila sa lingkod Namin at sinabihan nilang baliw at ipinagtabuyan siya.

54:10

فَدَعَا رَبَّهُۥٓ أَنِّي مَغۡلُوبٞ فَٱنتَصِرۡ ﴿10﴾

Transliteration: FadaAAa rabbahu annee maghloobun faintasir

Translation: Kaya dumalangin siya sa Panginoon niya: "Tunay na ako ay nadaig kaya mag-adya Ka."

54:11

فَفَتَحۡنَآ أَبۡوَٰبَ ٱلسَّمَآءِ بِمَآءٖ مُّنۡهَمِرٖ ﴿11﴾

Transliteration: Fafatahna abwaba alssamai bimain munhamirin

Translation: Kaya nagbukas Kami ng mga pinto ng langit na may tubig na bumubuhos.

54:12

وَفَجَّرۡنَا ٱلۡأَرۡضَ عُيُونٗا فَٱلۡتَقَى ٱلۡمَآءُ عَلَىٰٓ أَمۡرٖ قَدۡ قُدِرَ ﴿12﴾

Transliteration: Wafajjarna alarda AAuyoonan failtaqa almao AAala amrin qad qudira

Translation: Nagpabulwak Kami sa lupa ng mga bukal, saka nagtagpo ang tubig [ng langit at lupa] ayon sa isang utos na itinakda.

54:13

وَحَمَلۡنَٰهُ عَلَىٰ ذَاتِ أَلۡوَٰحٖ وَدُسُرٖ ﴿13﴾

Transliteration: Wahamalnahu AAala thati alwahin wadusurin

Translation: Nagdala Kami sa kanya sa [daong na] may mga tabla at mga pako.

54:14

تَجۡرِي بِأَعۡيُنِنَا جَزَآءٗ لِّمَن كَانَ كُفِرَ ﴿14﴾

Transliteration: Tajree biaAAyunina jazaan liman kana kufira

Translation: Naglalayag ito sa [pagsusubaybay ng] mga mata Namin bilang ganti para sa dating tinanggihang sampalatayanan.

54:15

وَلَقَد تَّرَكۡنَٰهَآ ءَايَةٗ فَهَلۡ مِن مُّدَّكِرٖ ﴿15﴾

Transliteration: Walaqad taraknaha ayatan fahal min muddakirin

Translation: Talaga ngang nag-iwan Kami nito bilang tanda, kaya may tagapag-alaala kaya?

54:16

فَكَيۡفَ كَانَ عَذَابِي وَنُذُرِ ﴿16﴾

Transliteration: Fakayfa kana AAathabee wanuthuri

Translation: Kaya papaano naging ang pagdurusang dulot Ko at ang mga babala Ko?

54:17

وَلَقَدۡ يَسَّرۡنَا ٱلۡقُرۡءَانَ لِلذِّكۡرِ فَهَلۡ مِن مُّدَّكِرٖ ﴿17﴾

Transliteration: Walaqad yassarna alqurana lilththikri fahal min muddakirin

Translation: Talaga ngang nagpadali Kami sa Qur’ān para sa pag-aalaala, kaya may tagapag-alaala kaya?

54:18

كَذَّبَتۡ عَادٞ فَكَيۡفَ كَانَ عَذَابِي وَنُذُرِ ﴿18﴾

Transliteration: Kaththabat AAadun fakayfa kana AAathabee wanuthuri

Translation: Nagpasinungaling ang [liping] `Ād, kaya papaano naging ang pagdurusang dulot Ko at ang mga babala Ko?

54:19

إِنَّآ أَرۡسَلۡنَا عَلَيۡهِمۡ رِيحٗا صَرۡصَرٗا فِي يَوۡمِ نَحۡسٖ مُّسۡتَمِرّٖ ﴿19﴾

Transliteration: Inna arsalna AAalayhim reehan sarsaran fee yawmi nahsin mustamirrin

Translation: Tunay na Kami ay nagsugo sa kanila ng isang hanging pagkalamig-lamig sa isang araw ng isang kasawiang-palad na nagpatuloy.

54:20

تَنزِعُ ٱلنَّاسَ كَأَنَّهُمۡ أَعۡجَازُ نَخۡلٖ مُّنقَعِرٖ ﴿20﴾

Transliteration: TanziAAu alnnasa kaannahum aAAjazu nakhlin munqaAAirin

Translation: Humuhugot ito sa mga tao na para bang sila ay mga tuod ng mga punong datiles na nasungkal.

54:21

فَكَيۡفَ كَانَ عَذَابِي وَنُذُرِ ﴿21﴾

Transliteration: Fakayfa kana AAathabee wanuthuri

Translation: Kaya papaano naging ang pagdurusang dulot Ko at ang mga babala Ko?

54:22

وَلَقَدۡ يَسَّرۡنَا ٱلۡقُرۡءَانَ لِلذِّكۡرِ فَهَلۡ مِن مُّدَّكِرٖ ﴿22﴾

Transliteration: Walaqad yassarna alqurana lilththikri fahal min muddakirin

Translation: Talaga ngang nagpadali Kami sa Qur’ān para sa pagsasaalaala, kaya may tagapagsaalaala ba?

54:23

كَذَّبَتۡ ثَمُودُ بِٱلنُّذُرِ ﴿23﴾

Transliteration: Kaththabat thamoodu bialnnuthuri

Translation: Nagpasinungaling ang [liping] Thamūd sa mga babala.

54:24

فَقَالُوٓاْ أَبَشَرٗا مِّنَّا وَٰحِدٗا نَّتَّبِعُهُۥٓ إِنَّآ إِذٗا لَّفِي ضَلَٰلٖ وَسُعُرٍ ﴿24﴾

Transliteration: Faqaloo abasharan minna wahidan nattabiAAuhu inna ithan lafee dalalin wasuAAurin

Translation: Kaya nagsabi sila: "Sa isang tao ba kabilang sa amin na nag-iisa susunod kami? Tunay na kami, samakatuwid, ay talagang nasa isang pagkaligaw at isang pagkaulol.

54:25

أَءُلۡقِيَ ٱلذِّكۡرُ عَلَيۡهِ مِنۢ بَيۡنِنَا بَلۡ هُوَ كَذَّابٌ أَشِرٞ ﴿25﴾

Transliteration: Aolqiya alththikru AAalayhi min baynina bal huwa kaththabun ashirun

Translation: Iniukol ba ang paalaala sa kanya sa gitna namin? Bagkus siya ay isang palasinungaling na hambog."

54:26

سَيَعۡلَمُونَ غَدٗا مَّنِ ٱلۡكَذَّابُ ٱلۡأَشِرُ ﴿26﴾

Transliteration: SayaAAlamoona ghadan mani alkaththabu alashiru

Translation: Makaaalam sila bukas kung sino ang palasinungaling na hambog.

54:27

إِنَّا مُرۡسِلُواْ ٱلنَّاقَةِ فِتۡنَةٗ لَّهُمۡ فَٱرۡتَقِبۡهُمۡ وَٱصۡطَبِرۡ ﴿27﴾

Transliteration: Inna mursiloo alnnaqati fitnatan lahum fairtaqibhum waistabir

Translation: Tunay na Kami ay magsusugo ng dumalagang kamelyo bilang tukso para sa kanila, kaya mag-antabay ka sa kanila at magtiyaga ka.

54:28

وَنَبِّئۡهُمۡ أَنَّ ٱلۡمَآءَ قِسۡمَةُۢ بَيۡنَهُمۡۖ كُلُّ شِرۡبٖ مُّحۡتَضَرٞ ﴿28﴾

Transliteration: Wanabbihum anna almaa qismatun baynahum kullu shirbin muhtadarun

Translation: Magbalita ka sa kanila na ang tubig ay binabahagi sa pagitan nila; bawat pag-inom ay halinhinan.

54:29

فَنَادَوۡاْ صَاحِبَهُمۡ فَتَعَاطَىٰ فَعَقَرَ ﴿29﴾

Transliteration: Fanadaw sahibahum fataAAata faAAaqara

Translation: Ngunit nanawagan sila sa kasamahan nila, kaya kinuha nito [iyon] at kinatay nito.

54:30

فَكَيۡفَ كَانَ عَذَابِي وَنُذُرِ ﴿30﴾

Transliteration: Fakayfa kana AAathabee wanuthuri

Translation: Kaya papaano naging ang pagdurusang dulot Ko at ang mga babala Ko?

54:31

إِنَّآ أَرۡسَلۡنَا عَلَيۡهِمۡ صَيۡحَةٗ وَٰحِدَةٗ فَكَانُواْ كَهَشِيمِ ٱلۡمُحۡتَظِرِ ﴿31﴾

Transliteration: Inna arsalna AAalayhim sayhatan wahidatan fakanoo kahasheemi almuhtathiri

Translation: Tunay na Kami ay nagsugo sa kanila ng hiyaw na nag-iisa kaya sila ay naging gaya ng mga tuyot na sanga ng nagkukural.

54:32

وَلَقَدۡ يَسَّرۡنَا ٱلۡقُرۡءَانَ لِلذِّكۡرِ فَهَلۡ مِن مُّدَّكِرٖ ﴿32﴾

Transliteration: Walaqad yassarna alqurana lilththikri fahal min muddakirin

Translation: Talaga ngang nagpadali Kami sa Qur’ān para sa pagsasaalaala, kaya may tagapagsaalaala ba?

54:33

كَذَّبَتۡ قَوۡمُ لُوطِۭ بِٱلنُّذُرِ ﴿33﴾

Transliteration: Kaththabat qawmu lootin bialnnuthuri

Translation: Nagpasinungaling ang mga kababayan ni Lot sa mga babala.

54:34

إِنَّآ أَرۡسَلۡنَا عَلَيۡهِمۡ حَاصِبًا إِلَّآ ءَالَ لُوطٖۖ نَّجَّيۡنَٰهُم بِسَحَرٖ ﴿34﴾

Transliteration: Inna arsalna AAalayhim hasiban illa ala lootin najjaynahum bisaharin

Translation: Tunay na Kami ay nagsugo sa kanila ng mga bato maiban sa mag-anak ni Lot; nagligtas Kami sa kanila sa huling bahagi ng gabi

54:35

نِّعۡمَةٗ مِّنۡ عِندِنَاۚ كَذَٰلِكَ نَجۡزِي مَن شَكَرَ ﴿35﴾

Transliteration: NiAAmatan min AAindina kathalika najzee man shakara

Translation: bilang pagpapala mula sa ganang Amin. Gayon Kami gumaganti sa sinumang nagpasalamat.

54:36

وَلَقَدۡ أَنذَرَهُم بَطۡشَتَنَا فَتَمَارَوۡاْ بِٱلنُّذُرِ ﴿36﴾

Transliteration: Walaqad antharahum batshatana fatamaraw bialnnuthuri

Translation: Talaga ngang nagbabala siya sa kanila ng pagsunggab Namin ngunit nag-alinlangan sila sa mga babala.

54:37

وَلَقَدۡ رَٰوَدُوهُ عَن ضَيۡفِهِۦ فَطَمَسۡنَآ أَعۡيُنَهُمۡ فَذُوقُواْ عَذَابِي وَنُذُرِ ﴿37﴾

Transliteration: Walaqad rawadoohu AAan dayfihi fatamasna aAAyunahum fathooqoo AAathabee wanuthuri

Translation: Talaga ngang humiling sila sa kanya [na manghalay] sa panauhin niya kaya pumawi Kami sa mga mata nila, [na nagsasabi:] "Kaya lumasap kayo ng pagdurusang dulot Ko at mga babala Ko."

54:38

وَلَقَدۡ صَبَّحَهُم بُكۡرَةً عَذَابٞ مُّسۡتَقِرّٞ ﴿38﴾

Transliteration: Walaqad sabbahahum bukratan AAathabun mustaqirrun

Translation: Talaga ngang may sumapit sa kanila sa umaga na isang pagdurusang nananahan.

54:39

فَذُوقُواْ عَذَابِي وَنُذُرِ ﴿39﴾

Transliteration: Fathooqoo AAathabee wanuthuri

Translation: Kaya lumasap kayo ng pagdurusang dulot Ko at mga babala Ko.

54:40

وَلَقَدۡ يَسَّرۡنَا ٱلۡقُرۡءَانَ لِلذِّكۡرِ فَهَلۡ مِن مُّدَّكِرٖ ﴿40﴾

Transliteration: Walaqad yassarna alqurana lilththikri fahal min muddakirin

Translation: Talaga ngang nagpadali Kami sa Qur’ān para sa pag-aalaala, kaya may tagapag-alaala kaya?

54:41

وَلَقَدۡ جَآءَ ءَالَ فِرۡعَوۡنَ ٱلنُّذُرُ ﴿41﴾

Transliteration: Walaqad jaa ala firAAawna alnnuthuru

Translation: Talaga ngang dumating sa mga alagad ni Paraon ang mga babala.

54:42

كَذَّبُواْ بِـَٔايَٰتِنَا كُلِّهَا فَأَخَذۡنَٰهُمۡ أَخۡذَ عَزِيزٖ مُّقۡتَدِرٍ ﴿42﴾

Transliteration: Kaththaboo biayatina kulliha faakhathnahum akhtha AAazeezin muqtadirin

Translation: Nagpasinungaling sila sa mga tanda Namin sa kabuuan ng mga ito kaya dumaklot Kami sa kanila ng pagdaklot ng isang Makapangyarihan, isang Kumakaya.

54:43

أَكُفَّارُكُمۡ خَيۡرٞ مِّنۡ أُوْلَـٰٓئِكُمۡ أَمۡ لَكُم بَرَآءَةٞ فِي ٱلزُّبُرِ ﴿43﴾

Transliteration: Akuffarukum khayrun min olaikum am lakum baraatun fee alzzuburi

Translation: Ang mga tagatangging sumampalataya ninyo ba ay higit na mabuti kaysa sa mga iyon o mayroon kayong kawalang-kaugnayan sa [pagdurusang nasaad sa] mga kasulatan?

54:44

أَمۡ يَقُولُونَ نَحۡنُ جَمِيعٞ مُّنتَصِرٞ ﴿44﴾

Transliteration: Am yaqooloona nahnu jameeAAun muntasirun

Translation: O nagsasabi sila: "Kami ay katipunang naiaadya?"

54:45

سَيُهۡزَمُ ٱلۡجَمۡعُ وَيُوَلُّونَ ٱلدُّبُرَ ﴿45﴾

Transliteration: Sayuhzamu aljamAAu wayuwalloona alddubura

Translation: Matatalo ang pagkakabuklod at magbabaling sila ng mga likod.

54:46

بَلِ ٱلسَّاعَةُ مَوۡعِدُهُمۡ وَٱلسَّاعَةُ أَدۡهَىٰ وَأَمَرُّ ﴿46﴾

Transliteration: Bali alssaAAatu mawAAiduhum waalssaAAatu adha waamarru

Translation: Bagkus ang Huling Sandali ay ang tipanan nila at ang Huling Sandali ay higit na masaklap at higit na mapait.

54:47

إِنَّ ٱلۡمُجۡرِمِينَ فِي ضَلَٰلٖ وَسُعُرٖ ﴿47﴾

Transliteration: Inna almujrimeena fee dalalin wasuAAurin

Translation: Tunay na ang mga salarin ay nasa isang pagkaligaw at isang pagdurusa.

54:48

يَوۡمَ يُسۡحَبُونَ فِي ٱلنَّارِ عَلَىٰ وُجُوهِهِمۡ ذُوقُواْ مَسَّ سَقَرَ ﴿48﴾

Transliteration: Yawma yushaboona fee alnnari AAala wujoohihim thooqoo massa saqara

Translation: Sa araw na kakaladkarin sila sa Apoy sa [pagkasubsob ng] mga mukha nila [ay sasabihin]: "Lumasap kayo ng saling ng [impiyernong] Init!"

54:49

إِنَّا كُلَّ شَيۡءٍ خَلَقۡنَٰهُ بِقَدَرٖ ﴿49﴾

Transliteration: Inna kulla shayin khalaqnahu biqadarin

Translation: Tunay na Kami sa bawat bagay ay lumikha ayon sa isang takda.

54:50

وَمَآ أَمۡرُنَآ إِلَّا وَٰحِدَةٞ كَلَمۡحِۭ بِٱلۡبَصَرِ ﴿50﴾

Transliteration: Wama amruna illa wahidatun kalamhin bialbasari

Translation: Walang iba ang utos Namin kundi nag-iisa gaya ng kisap ng paningin.

54:51

وَلَقَدۡ أَهۡلَكۡنَآ أَشۡيَاعَكُمۡ فَهَلۡ مِن مُّدَّكِرٖ ﴿51﴾

Transliteration: Walaqad ahlakna ashyaAAakum fahal min muddakirin

Translation: Talaga ngang nagpahamak Kami ng mga kakampi ninyo, kaya may tagapag-alaala kaya?

54:52

وَكُلُّ شَيۡءٖ فَعَلُوهُ فِي ٱلزُّبُرِ ﴿52﴾

Transliteration: Wakullu shayin faAAaloohu fee alzzuburi

Translation: Bawat bagay na ginawa nila ay nasa mga kasulatan.

54:53

وَكُلُّ صَغِيرٖ وَكَبِيرٖ مُّسۡتَطَرٌ ﴿53﴾

Transliteration: Wakullu sagheerin wakabeerin mustatarun

Translation: Bawat maliit at malaki ay nakatitik.

54:54

إِنَّ ٱلۡمُتَّقِينَ فِي جَنَّـٰتٖ وَنَهَرٖ ﴿54﴾

Transliteration: Inna almuttaqeena fee jannatin wanaharin

Translation: Tunay na ang mga tagapangilag magkasala ay nasa mga hardin at mga ilog,

54:55

فِي مَقۡعَدِ صِدۡقٍ عِندَ مَلِيكٖ مُّقۡتَدِرِۭ ﴿55﴾

Transliteration: Fee maqAAadi sidqin AAinda maleekin muqtadirin

Translation: sa upuan ng katapatan sa piling ng Haring Kumakaya.

Transliteration source: English Transliteration by Tanzil. Used under Tanzil's non-commercial terms; see the source and latest updates at Tanzil. Tanzil translation download