quranm◉

Surah Al-Insan transliteration

◉ Sura · ∞

76:1

هَلۡ أَتَىٰ عَلَى ٱلۡإِنسَٰنِ حِينٞ مِّنَ ٱلدَّهۡرِ لَمۡ يَكُن شَيۡـٔٗا مَّذۡكُورًا ﴿1﴾

Transliteration: Hal ata AAala alinsani heenun mina alddahri lam yakun shayan mathkooran

Translation: May dumating kaya sa tao na isang yugto mula sa panahon na hindi siya naging isang bagay na nababanggit?

76:2

إِنَّا خَلَقۡنَا ٱلۡإِنسَٰنَ مِن نُّطۡفَةٍ أَمۡشَاجٖ نَّبۡتَلِيهِ فَجَعَلۡنَٰهُ سَمِيعَۢا بَصِيرًا ﴿2﴾

Transliteration: Inna khalaqna alinsana min nutfatin amshajin nabtaleehi fajaAAalnahu sameeAAan baseeran

Translation: Tunay na Kami ay lumikha sa tao mula sa isang patak na mga pinaghalo upang sumubok Kami sa kanya, saka gumawa Kami sa kanya na isang madinigin, na nakakikita.

76:3

إِنَّا هَدَيۡنَٰهُ ٱلسَّبِيلَ إِمَّا شَاكِرٗا وَإِمَّا كَفُورًا ﴿3﴾

Transliteration: Inna hadaynahu alssabeela imma shakiran waimma kafooran

Translation: Tunay na Kami ay nagpatnubay sa kanya sa landas, maging tagapagpasalamat man o maging mapagkaila man ng utang na loob.

76:4

إِنَّآ أَعۡتَدۡنَا لِلۡكَٰفِرِينَ سَلَٰسِلَاْ وَأَغۡلَٰلٗا وَسَعِيرًا ﴿4﴾

Transliteration: Inna aAAtadna lilkafireena salasila waaghlalan wasaAAeeran

Translation: Tunay na Kami ay naglaan para sa mga tagatangging sumampalataya ng mga tanikala, mga kulyar, at isang liyab.

76:5

إِنَّ ٱلۡأَبۡرَارَ يَشۡرَبُونَ مِن كَأۡسٖ كَانَ مِزَاجُهَا كَافُورًا ﴿5﴾

Transliteration: Inna alabrara yashraboona min kasin kana mizajuha kafooran

Translation: Tunay na ang mga nagpapakabuti ay iinom mula sa kopa na ang halo nito ay Kāfūr,

76:6

عَيۡنٗا يَشۡرَبُ بِهَا عِبَادُ ٱللَّهِ يُفَجِّرُونَهَا تَفۡجِيرٗا ﴿6﴾

Transliteration: AAaynan yashrabu biha AAibadu Allahi yufajjiroonaha tafjeeran

Translation: na isang bukal na iinom doon ang mga lingkod ni Allāh, habang nagpapabulwak sila roon nang isang pagpapabulwak.

76:7

يُوفُونَ بِٱلنَّذۡرِ وَيَخَافُونَ يَوۡمٗا كَانَ شَرُّهُۥ مُسۡتَطِيرٗا ﴿7﴾

Transliteration: Yoofoona bialnnathri wayakhafoona yawman kana sharruhu mustateeran

Translation: Tumutupad sila sa mga panata at nangangamba sila sa isang araw na ang kasamaan niyon ay magiging maglilipana.

76:8

وَيُطۡعِمُونَ ٱلطَّعَامَ عَلَىٰ حُبِّهِۦ مِسۡكِينٗا وَيَتِيمٗا وَأَسِيرًا ﴿8﴾

Transliteration: WayutAAimona alttaAAama AAala hubbihi miskeenan wayateeman waaseeran

Translation: Nagpapakain sila ng pagkain, sa kabila ng pagkaibig dito, sa dukha, ulila, at bihag.

76:9

إِنَّمَا نُطۡعِمُكُمۡ لِوَجۡهِ ٱللَّهِ لَا نُرِيدُ مِنكُمۡ جَزَآءٗ وَلَا شُكُورًا ﴿9﴾

Transliteration: Innama nutAAimukum liwajhi Allahi la nureedu minkum jazaan wala shukooran

Translation: [Sinasabi nila sa mga sarili]: "Nagpapakain lamang kami sa inyo para sa [ikalulugod ng] mukha ni Allāh; hindi kami nagnanais mula sa inyo ng isang ganti ni isang pasasalamat.

76:10

إِنَّا نَخَافُ مِن رَّبِّنَا يَوۡمًا عَبُوسٗا قَمۡطَرِيرٗا ﴿10﴾

Transliteration: Inna nakhafu min rabbina yawman AAaboosan qamtareeran

Translation: Tunay na kami ay nangangamba sa Panginoon Namin sa isang araw na nakasimangot, na nakaismid."

76:11

فَوَقَىٰهُمُ ٱللَّهُ شَرَّ ذَٰلِكَ ٱلۡيَوۡمِ وَلَقَّىٰهُمۡ نَضۡرَةٗ وَسُرُورٗا ﴿11﴾

Transliteration: Fawaqahumu Allahu sharra thalika alyawmi walaqqahum nadratan wasurooran

Translation: Kaya magsasanggalang sa kanila si Allāh sa kasamaan ng Araw na iyon at maggagawad Siya sa kanila ng ningning at galak.

76:12

وَجَزَىٰهُم بِمَا صَبَرُواْ جَنَّةٗ وَحَرِيرٗا ﴿12﴾

Transliteration: Wajazahum bima sabaroo jannatan wahareeran

Translation: Gaganti Siya sa kanila, dahil nagtiis sila, ng hardin at sutla.

76:13

مُّتَّكِـِٔينَ فِيهَا عَلَى ٱلۡأَرَآئِكِۖ لَا يَرَوۡنَ فِيهَا شَمۡسٗا وَلَا زَمۡهَرِيرٗا ﴿13﴾

Transliteration: Muttakieena feeha AAala alaraiki la yarawna feeha shamsan wala zamhareeran

Translation: Mga nakasandal doon sa mga supa, hindi sila makakikita roon ng [init ng] araw ni ng pagkalamig-lamig.

76:14

وَدَانِيَةً عَلَيۡهِمۡ ظِلَٰلُهَا وَذُلِّلَتۡ قُطُوفُهَا تَذۡلِيلٗا ﴿14﴾

Transliteration: Wadaniyatan AAalayhim thilaluha wathullilat qutoofuha tathleelan

Translation: Nakalapit sa ibabaw nila ang mga lilim nito, padadaliin ang mga napipitas doon sa isang pagpapadali.

76:15

وَيُطَافُ عَلَيۡهِم بِـَٔانِيَةٖ مِّن فِضَّةٖ وَأَكۡوَابٖ كَانَتۡ قَوَارِيرَا۠ ﴿15﴾

Transliteration: Wayutafu AAalayhim bianiyatin min fiddatin waakwabin kanat qawareera

Translation: Magpapalibot sa kanila ng mga pinggang yari sa pilak at mga basong naging mga kristal,

76:16

قَوَارِيرَاْ مِن فِضَّةٖ قَدَّرُوهَا تَقۡدِيرٗا ﴿16﴾

Transliteration: Qawareera min fiddatin qaddarooha taqdeeran

Translation: mga kristal na yari sa pilak, na sumukat sila ng mga ito sa isang pagsukat.

76:17

وَيُسۡقَوۡنَ فِيهَا كَأۡسٗا كَانَ مِزَاجُهَا زَنجَبِيلًا ﴿17﴾

Transliteration: Wayusqawna feeha kasan kana mizajuha zanjabeelan

Translation: Paiinumin sila roon ng isang kopa [ng alak] na ang panghalo nito ay luya

76:18

عَيۡنٗا فِيهَا تُسَمَّىٰ سَلۡسَبِيلٗا ﴿18﴾

Transliteration: AAaynan feeha tusamma salsabeelan

Translation: [mula sa] isang bukal doon na pinangangalanang Salsabīl.

76:19

وَيَطُوفُ عَلَيۡهِمۡ وِلۡدَٰنٞ مُّخَلَّدُونَ إِذَا رَأَيۡتَهُمۡ حَسِبۡتَهُمۡ لُؤۡلُؤٗا مَّنثُورٗا ﴿19﴾

Transliteration: Wayatoofu AAalayhim wildanun mukhalladoona itha raaytahum hasibtahum luluan manthooran

Translation: May lilibot sa kanila na mga batang lalaki na mga pinamalaging [bata]. Kapag nakita mo sila ay mag-aakala kang sila ay mga mutyang isinabog.

76:20

وَإِذَا رَأَيۡتَ ثَمَّ رَأَيۡتَ نَعِيمٗا وَمُلۡكٗا كَبِيرًا ﴿20﴾

Transliteration: Waitha raayta thamma raayta naAAeeman wamulkan kabeeran

Translation: Kapag nakakita ka roon ay makakikita ka ng isang kaginhawahan at isang paghaharing malaki.

76:21

عَٰلِيَهُمۡ ثِيَابُ سُندُسٍ خُضۡرٞ وَإِسۡتَبۡرَقٞۖ وَحُلُّوٓاْ أَسَاوِرَ مِن فِضَّةٖ وَسَقَىٰهُمۡ رَبُّهُمۡ شَرَابٗا طَهُورًا ﴿21﴾

Transliteration: AAaliyahum thiyabu sundusin khudrun waistabraqun wahulloo asawira min fiddatin wasaqahum rabbuhum sharaban tahooran

Translation: May nakasuot sa kanila na mga kasuutan na manipis na sutlang luntian at makapal na sutla, hihiyasan sila ng mga pulseras na yari sa pilak, at magpapainom sa kanila ang Panginoon nila ng inuming kadali-dalisay.

76:22

إِنَّ هَٰذَا كَانَ لَكُمۡ جَزَآءٗ وَكَانَ سَعۡيُكُم مَّشۡكُورًا ﴿22﴾

Transliteration: Inna hatha kana lakum jazaan wakana saAAyukum mashkooran

Translation: [Sasabihin]: "Tunay na ito ay naging para sa inyo bilang ganti at ang pagpupunyagi ninyo ay naging isang kinikilala."

76:23

إِنَّا نَحۡنُ نَزَّلۡنَا عَلَيۡكَ ٱلۡقُرۡءَانَ تَنزِيلٗا ﴿23﴾

Transliteration: Inna nahnu nazzalna AAalayka alqurana tanzeelan

Translation: Tunay na Kami ay nagbaba sa iyo ng Qur’ān sa isang [unti-unting] pagbababa.

76:24

فَٱصۡبِرۡ لِحُكۡمِ رَبِّكَ وَلَا تُطِعۡ مِنۡهُمۡ ءَاثِمًا أَوۡ كَفُورٗا ﴿24﴾

Transliteration: Faisbir lihukmi rabbika wala tutiAA minhum athiman aw kafooran

Translation: Kaya magtiis ka sa kahatulan ng Panginoon mo at huwag kang tumalima kabilang sa kanila sa isang nagkakasala o isang palatangging sumampalataya.

76:25

وَٱذۡكُرِ ٱسۡمَ رَبِّكَ بُكۡرَةٗ وَأَصِيلٗا ﴿25﴾

Transliteration: Waothkuri isma rabbika bukratan waaseelan

Translation: Alalahanin mo ang ngalan ng Panginoon mo sa umaga at sa hapon.

76:26

وَمِنَ ٱلَّيۡلِ فَٱسۡجُدۡ لَهُۥ وَسَبِّحۡهُ لَيۡلٗا طَوِيلًا ﴿26﴾

Transliteration: Wamina allayli faosjud lahu wasabbihhu laylan taweelan

Translation: Sa bahagi ng gabi ay magpatirapa ka sa Kanya at magluwalhati ka sa Kanya sa gabi nang matagal.

76:27

إِنَّ هَـٰٓؤُلَآءِ يُحِبُّونَ ٱلۡعَاجِلَةَ وَيَذَرُونَ وَرَآءَهُمۡ يَوۡمٗا ثَقِيلٗا ﴿27﴾

Transliteration: Inna haolai yuhibboona alAAajilata wayatharoona waraahum yawman thaqeelan

Translation: Tunay na ang mga ito ay umiibig sa Panandaliang-buhay at nag-iiwan sa likuran nila ng isang araw na mabigat.

76:28

نَّحۡنُ خَلَقۡنَٰهُمۡ وَشَدَدۡنَآ أَسۡرَهُمۡۖ وَإِذَا شِئۡنَا بَدَّلۡنَآ أَمۡثَٰلَهُمۡ تَبۡدِيلًا ﴿28﴾

Transliteration: Nahnu khalaqnahum washadadna asrahum waitha shina baddalna amthalahum tabdeelan

Translation: Kami ay lumikha sa kanila at nagpapatatag sa pagkalalang sa kanila. Kapag niloob Namin ay magpapalit Kami [sa kanila] ng mga tulad nila sa isang pagpapalit.

76:29

إِنَّ هَٰذِهِۦ تَذۡكِرَةٞۖ فَمَن شَآءَ ٱتَّخَذَ إِلَىٰ رَبِّهِۦ سَبِيلٗا ﴿29﴾

Transliteration: Inna hathihi tathkiratun faman shaa ittakhatha ila rabbihi sabeelan

Translation: Tunay na ito ay isang pagpapaalaala, kaya ang sinumang lumuob ay gumawa siya tungo sa Panginoon niya ng isang landas.

76:30

وَمَا تَشَآءُونَ إِلَّآ أَن يَشَآءَ ٱللَّهُۚ إِنَّ ٱللَّهَ كَانَ عَلِيمًا حَكِيمٗا ﴿30﴾

Transliteration: Wama tashaoona illa an yashaa Allahu inna Allaha kana AAaleeman hakeeman

Translation: Hindi ninyo loloobin maliban na loobin ni Allāh. Tunay na si Allāh ay laging Maalam, Marunong.

76:31

يُدۡخِلُ مَن يَشَآءُ فِي رَحۡمَتِهِۦۚ وَٱلظَّـٰلِمِينَ أَعَدَّ لَهُمۡ عَذَابًا أَلِيمَۢا ﴿31﴾

Transliteration: Yudkhilu man yashao fee rahmatihi waalththalimeena aAAadda lahum AAathaban aleeman

Translation: Magpapapasok Siya ng sinumang niloloob Niya sa awa niya samantalang sa mga tagalabag sa katarungan ay naghanda Siya para sa kanila ng isang pagdurusang masakit.

Transliteration source: English Transliteration by Tanzil. Used under Tanzil's non-commercial terms; see the source and latest updates at Tanzil. Tanzil translation download