quranm◉

Pahina 576

Range
from 74:18 to 74:47
Surahs covered
Salin
30 Salin

◉

74:18

إِنَّهُۥ فَكَّرَ وَقَدَّرَ ﴿18﴾

Tunay na siya ay nag-isip at nagtakda.

74:19

فَقُتِلَ كَيۡفَ قَدَّرَ ﴿19﴾

Kaya panaigan nawa siya kung papaano siyang nagtakda!

74:20

ثُمَّ قُتِلَ كَيۡفَ قَدَّرَ ﴿20﴾

Pagkatapos panaigan nawa siya kung papaano siyang nagtakda!

74:21

ثُمَّ نَظَرَ ﴿21﴾

Pagkatapos nagmasid siya.

74:22

ثُمَّ عَبَسَ وَبَسَرَ ﴿22﴾

Pagkatapos nagkunut-noo siya at sumimangot siya.

74:23

ثُمَّ أَدۡبَرَ وَٱسۡتَكۡبَرَ ﴿23﴾

Pagkatapos tumalikod siya at nagmalaki siya.

74:24

فَقَالَ إِنۡ هَٰذَآ إِلَّا سِحۡرٞ يُؤۡثَرُ ﴿24﴾

Kaya nagsabi siya: "Walang iba ito ay kundi isang panggagaway na ipinapasa-pasa.

74:25

إِنۡ هَٰذَآ إِلَّا قَوۡلُ ٱلۡبَشَرِ ﴿25﴾

Walang iba ito ay kundi sabi ng tao."

74:26

سَأُصۡلِيهِ سَقَرَ ﴿26﴾

Magsusunog Ako sa kanya sa Saqar.

74:27

وَمَآ أَدۡرَىٰكَ مَا سَقَرُ ﴿27﴾

Ano ang nagpabatid sa iyo kung ano ang Saqar?

74:28

لَا تُبۡقِي وَلَا تَذَرُ ﴿28﴾

Hindi ito nagtitira at hindi ito nag-iiwan.

74:29

لَوَّاحَةٞ لِّلۡبَشَرِ ﴿29﴾

Isang tagapagtupok ng mga balat,

74:30

عَلَيۡهَا تِسۡعَةَ عَشَرَ ﴿30﴾

sa ibabaw nito ay may labingsiyam na anghel.

74:31

وَمَا جَعَلۡنَآ أَصۡحَٰبَ ٱلنَّارِ إِلَّا مَلَـٰٓئِكَةٗۖ وَمَا جَعَلۡنَا عِدَّتَهُمۡ إِلَّا فِتۡنَةٗ لِّلَّذِينَ كَفَرُواْ لِيَسۡتَيۡقِنَ ٱلَّذِينَ أُوتُواْ ٱلۡكِتَٰبَ وَيَزۡدَادَ ٱلَّذِينَ ءَامَنُوٓاْ إِيمَٰنٗا وَلَا يَرۡتَابَ ٱلَّذِينَ أُوتُواْ ٱلۡكِتَٰبَ وَٱلۡمُؤۡمِنُونَ وَلِيَقُولَ ٱلَّذِينَ فِي قُلُوبِهِم مَّرَضٞ وَٱلۡكَٰفِرُونَ مَاذَآ أَرَادَ ٱللَّهُ بِهَٰذَا مَثَلٗاۚ كَذَٰلِكَ يُضِلُّ ٱللَّهُ مَن يَشَآءُ وَيَهۡدِي مَن يَشَآءُۚ وَمَا يَعۡلَمُ جُنُودَ رَبِّكَ إِلَّا هُوَۚ وَمَا هِيَ إِلَّا ذِكۡرَىٰ لِلۡبَشَرِ ﴿31﴾

Hindi Kami naglagay ng mga tanod ng Apoy maliban ng mga anghel. Hindi Kami gumawa sa bilang nila malibang bilang pagsubok para sa mga tumangging sumampalataya upang makatiyak ang mga binigyan ng Kasulatan, madagdagan ang mga sumampalataya ng pananampalataya, at hindi mag-alinlangan ang mga binigyan ng Kasulatan at ang mga mananampalataya, at upang magsabi ang mga sa mga puso nila ay may sakit at ang mga tagatangging sumampalataya: "Ano ang ninais ni Allāh dito bilang paghahalimbawa?" Gayon nagliligaw si Allāh sa sinumang niloloob Niya at nagpapatnubay sa sinumang niloloob Niya. Walang nakaaalam sa mga kawal ng Panginoon mo kundi Siya. Walang iba ito kundi isang paalaala para sa mga tao.

74:32

كَلَّا وَٱلۡقَمَرِ ﴿32﴾

Aba’y hindi! Sumpa man sa buwan,

74:33

وَٱلَّيۡلِ إِذۡ أَدۡبَرَ ﴿33﴾

sumpa man sa gabi kapag tumalikod ito,

74:34

وَٱلصُّبۡحِ إِذَآ أَسۡفَرَ ﴿34﴾

sumpa man sa madaling-araw kapag nagliwanag ito;

74:35

إِنَّهَا لَإِحۡدَى ٱلۡكُبَرِ ﴿35﴾

tunay na [ang Apoy na] ito ay isa sa mga napakalalaki

74:36

نَذِيرٗا لِّلۡبَشَرِ ﴿36﴾

bilang pagbabala para sa mga tao,

74:37

لِمَن شَآءَ مِنكُمۡ أَن يَتَقَدَّمَ أَوۡ يَتَأَخَّرَ ﴿37﴾

para sa sinumang lumuob kabilang sa inyo na magpakauna o magpakahuli.

74:38

كُلُّ نَفۡسِۭ بِمَا كَسَبَتۡ رَهِينَةٌ ﴿38﴾

Bawat kaluluwa sa nakamit nito ay nakasangla,

74:39

إِلَّآ أَصۡحَٰبَ ٱلۡيَمِينِ ﴿39﴾

maliban sa mga kasamahan ng kanan,

74:40

فِي جَنَّـٰتٖ يَتَسَآءَلُونَ ﴿40﴾

na sa mga Hardin ay magtatanungan sila

74:41

عَنِ ٱلۡمُجۡرِمِينَ ﴿41﴾

tungkol sa mga salarin:

74:42

مَا سَلَكَكُمۡ فِي سَقَرَ ﴿42﴾

"Ano ang nagpasok sa inyo sa Saqar?"

74:43

قَالُواْ لَمۡ نَكُ مِنَ ٱلۡمُصَلِّينَ ﴿43﴾

Magsasabi ang mga ito: "Hindi kami dati kabilang sa mga nagdarasal,

74:44

وَلَمۡ نَكُ نُطۡعِمُ ٱلۡمِسۡكِينَ ﴿44﴾

hindi kami dati nagpapakain sa dukha,

74:45

وَكُنَّا نَخُوضُ مَعَ ٱلۡخَآئِضِينَ ﴿45﴾

kami noon ay sumusuong [sa kabulaanan] kasama sa mga sumusuong [sa kabulaanan],

74:46

وَكُنَّا نُكَذِّبُ بِيَوۡمِ ٱلدِّينِ ﴿46﴾

at kami dati ay nagpapabula sa Araw ng Paggantimpala,

74:47

حَتَّىٰٓ أَتَىٰنَا ٱلۡيَقِينُ ﴿47﴾

hanggang sa pumunta sa amin ang katiyakan [ng kamatayan]."