quranm◉

Pahina 575

Range
from 73:20 to 74:17
Surahs covered
Salin
18 Salin

◉

73:20

إِنَّ رَبَّكَ يَعۡلَمُ أَنَّكَ تَقُومُ أَدۡنَىٰ مِن ثُلُثَيِ ٱلَّيۡلِ وَنِصۡفَهُۥ وَثُلُثَهُۥ وَطَآئِفَةٞ مِّنَ ٱلَّذِينَ مَعَكَۚ وَٱللَّهُ يُقَدِّرُ ٱلَّيۡلَ وَٱلنَّهَارَۚ عَلِمَ أَن لَّن تُحۡصُوهُ فَتَابَ عَلَيۡكُمۡۖ فَٱقۡرَءُواْ مَا تَيَسَّرَ مِنَ ٱلۡقُرۡءَانِۚ عَلِمَ أَن سَيَكُونُ مِنكُم مَّرۡضَىٰ وَءَاخَرُونَ يَضۡرِبُونَ فِي ٱلۡأَرۡضِ يَبۡتَغُونَ مِن فَضۡلِ ٱللَّهِ وَءَاخَرُونَ يُقَٰتِلُونَ فِي سَبِيلِ ٱللَّهِۖ فَٱقۡرَءُواْ مَا تَيَسَّرَ مِنۡهُۚ وَأَقِيمُواْ ٱلصَّلَوٰةَ وَءَاتُواْ ٱلزَّكَوٰةَ وَأَقۡرِضُواْ ٱللَّهَ قَرۡضًا حَسَنٗاۚ وَمَا تُقَدِّمُواْ لِأَنفُسِكُم مِّنۡ خَيۡرٖ تَجِدُوهُ عِندَ ٱللَّهِ هُوَ خَيۡرٗا وَأَعۡظَمَ أَجۡرٗاۚ وَٱسۡتَغۡفِرُواْ ٱللَّهَۖ إِنَّ ٱللَّهَ غَفُورٞ رَّحِيمُۢ ﴿20﴾

Tunay na ang Panginoon mo ay nakaaalam na ikaw ay tumatayo [sa pagdarasal] sa pinakamalapit sa dalawang-katlo ng gabi o kalahati nito o isang katlo nito, at [gayon din] ang isang pangkatin kabilang sa mga kasama sa iyo. Si Allāh ay nagtatakda sa [sukat ng] gabi at maghapon. Nakaalam Siya na hindi kayo makakakaya niyon saka tumanggap Siya sa inyo ng pagbabalik-loob kaya bumigkas kayo ng anumang naging madali mula sa Qur’ān. Nakaalam Siya na kabilang sa inyo ay magiging mga may-sakit, may mga iba na maglalakbay sa lupain habang naghahanap ng kabutihang-loob ni Allāh, at may mga iba pa na makikipaglaban sa landas ni Allāh. Kaya bumigkas kayo ng anumang naging madali mula rito. Magpanatili kayo ng pagdarasal, magbigay kayo ng zakāh, at magpautang kayo kay Allāh ng isang pautang na maganda. Ang anumang ipanauuna ninyo para sa mga sarili ninyo na kabutihan ay makatatagpo kayo rito, sa ganang kay Allāh, ng isang higit na mabuti at isang higit na mabigat sa pabuya. Humingi kayo ng tawad kay Allāh; tunay na si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain.

74:1

يَـٰٓأَيُّهَا ٱلۡمُدَّثِّرُ ﴿1﴾

O nagtatalukbong,

74:2

قُمۡ فَأَنذِرۡ ﴿2﴾

bumangon ka at magbabala ka.

74:3

وَرَبَّكَ فَكَبِّرۡ ﴿3﴾

Sa Panginoon mo ay dumakila ka.

74:4

وَثِيَابَكَ فَطَهِّرۡ ﴿4﴾

Sa mga kasuutan mo ay magdalisay ka.

74:5

وَٱلرُّجۡزَ فَٱهۡجُرۡ ﴿5﴾

Sa kasalaulaan ay lumayo ka.

74:6

وَلَا تَمۡنُن تَسۡتَكۡثِرُ ﴿6﴾

Huwag kang magmagandang-loob habang humihiling ka ng marami.

74:7

وَلِرَبِّكَ فَٱصۡبِرۡ ﴿7﴾

Alang-alang sa Panginoon mo ay magtiis ka.

74:8

فَإِذَا نُقِرَ فِي ٱلنَّاقُورِ ﴿8﴾

Kaya kapag umihip sa trumpeta,

74:9

فَذَٰلِكَ يَوۡمَئِذٖ يَوۡمٌ عَسِيرٌ ﴿9﴾

iyon, sa araw na iyon, ay isang araw na mahirap,

74:10

عَلَى ٱلۡكَٰفِرِينَ غَيۡرُ يَسِيرٖ ﴿10﴾

sa mga tagatangging sumampalataya ay hindi madali.

74:11

ذَرۡنِي وَمَنۡ خَلَقۡتُ وَحِيدٗا ﴿11﴾

Hayaan mo Ako at ang nilikha Ko nang mag-isa.

74:12

وَجَعَلۡتُ لَهُۥ مَالٗا مَّمۡدُودٗا ﴿12﴾

Gumawa Ako para sa kanya ng isang yamang pinalawak

74:13

وَبَنِينَ شُهُودٗا ﴿13﴾

at mga anak na kapiling.

74:14

وَمَهَّدتُّ لَهُۥ تَمۡهِيدٗا ﴿14﴾

Nagpaalwan Ako sa kanya sa isang pagpapaalwan.

74:15

ثُمَّ يَطۡمَعُ أَنۡ أَزِيدَ ﴿15﴾

Pagkatapos naghahangad siya na magdagdag Ako.

74:16

كَلَّآۖ إِنَّهُۥ كَانَ لِأٓيَٰتِنَا عَنِيدٗا ﴿16﴾

Aba’y hindi! Tunay na siya sa mga tanda Namin ay mapagmatigas.

74:17

سَأُرۡهِقُهُۥ صَعُودًا ﴿17﴾

Magpapabigat Ako sa kanya ng isang pahirap.