أَلَا يَعۡلَمُ مَنۡ خَلَقَ وَهُوَ ٱللَّطِيفُ ٱلۡخَبِيرُ ﴿١٤﴾
Hindi ba nakaaalam ang lumikha samantalang Siya ay ang Mapagtalos, ang Mapagbatid.
481 Ayah · Mga paksa · tl
أَلَا يَعۡلَمُ مَنۡ خَلَقَ وَهُوَ ٱللَّطِيفُ ٱلۡخَبِيرُ ﴿١٤﴾
Hindi ba nakaaalam ang lumikha samantalang Siya ay ang Mapagtalos, ang Mapagbatid.
هُوَ ٱلَّذِي جَعَلَ لَكُمُ ٱلۡأَرۡضَ ذَلُولٗا فَٱمۡشُواْ فِي مَنَاكِبِهَا وَكُلُواْ مِن رِّزۡقِهِۦۖ وَإِلَيۡهِ ٱلنُّشُورُ ﴿١٥﴾
Siya ay ang gumawa para sa inyo ng lupa na [maging] maamo, kaya maglakad kayo sa mga dako nito at kumain kayo mula sa panustos Niya. Tungo sa Kanya ang pagkabuhay muli.
ءَأَمِنتُم مَّن فِي ٱلسَّمَآءِ أَن يَخۡسِفَ بِكُمُ ٱلۡأَرۡضَ فَإِذَا هِيَ تَمُورُ ﴿١٦﴾
Natiwasay ba kayo sa Kanya na nasa langit na magpalamon Siya sa inyo sa lupa saka biglang ito ay nayayanig?
أَمۡ أَمِنتُم مَّن فِي ٱلسَّمَآءِ أَن يُرۡسِلَ عَلَيۡكُمۡ حَاصِبٗاۖ فَسَتَعۡلَمُونَ كَيۡفَ نَذِيرِ ﴿١٧﴾
O natiwasay kayo sa Kanya na nasa langit na magsugo Siya sa inyo ng isang unos ng mga bato, kaya makaaalam kayo kung papaano ang pagbabala Ko?
وَلَقَدۡ كَذَّبَ ٱلَّذِينَ مِن قَبۡلِهِمۡ فَكَيۡفَ كَانَ نَكِيرِ ﴿١٨﴾
Talaga ngang nagpasinungaling ang mga bago pa nila, kaya papaano naging ang pagtutol Ko?
أَوَلَمۡ يَرَوۡاْ إِلَى ٱلطَّيۡرِ فَوۡقَهُمۡ صَـٰٓفَّـٰتٖ وَيَقۡبِضۡنَۚ مَا يُمۡسِكُهُنَّ إِلَّا ٱلرَّحۡمَٰنُۚ إِنَّهُۥ بِكُلِّ شَيۡءِۭ بَصِيرٌ ﴿١٩﴾
Hindi ba sila nakakita sa mga ibon sa ibabaw nila habang mga nakabuka at nagtitiklop [ng mga pakpak]? Walang pumipigil sa mga iyon kundi ang Napakamaawain. Tunay na Siya sa bawat bagay ay Nakakikita.
أَمَّنۡ هَٰذَا ٱلَّذِي هُوَ جُندٞ لَّكُمۡ يَنصُرُكُم مِّن دُونِ ٱلرَّحۡمَٰنِۚ إِنِ ٱلۡكَٰفِرُونَ إِلَّا فِي غُرُورٍ ﴿٢٠﴾
O sino itong isang hukbo para sa inyo na mag-aadya sa inyo bukod pa sa Napakamaawain? Walang iba ang mga tagatangging sumampalataya kundi nasa isang pagkalinlang.
أَمَّنۡ هَٰذَا ٱلَّذِي يَرۡزُقُكُمۡ إِنۡ أَمۡسَكَ رِزۡقَهُۥۚ بَل لَّجُّواْ فِي عُتُوّٖ وَنُفُورٍ ﴿٢١﴾
O sino itong magtutustos sa inyo kung pumigil Siya sa panustos Niya? Bagkus nagmatigas sila sa isang pagpapakapalalo at isang pagkaayaw.
أَفَمَن يَمۡشِي مُكِبًّا عَلَىٰ وَجۡهِهِۦٓ أَهۡدَىٰٓ أَمَّن يَمۡشِي سَوِيًّا عَلَىٰ صِرَٰطٖ مُّسۡتَقِيمٖ ﴿٢٢﴾
Kaya ang naglalakad ba habang nakasubsob sa mukha niya ay higit na napatnubayan o ang naglalakad habang nakatindig sa isang landasing tuwid?
قُلۡ هُوَ ٱلَّذِيٓ أَنشَأَكُمۡ وَجَعَلَ لَكُمُ ٱلسَّمۡعَ وَٱلۡأَبۡصَٰرَ وَٱلۡأَفۡـِٔدَةَۚ قَلِيلٗا مَّا تَشۡكُرُونَ ﴿٢٣﴾
Sabihin mo: "Siya ay ang nagpaluwal sa inyo at gumawa para sa inyo ng pandinig, mga paningin, at mga puso. Kaunti ang pinasasalamatan ninyo!"
قُلۡ هُوَ ٱلَّذِي ذَرَأَكُمۡ فِي ٱلۡأَرۡضِ وَإِلَيۡهِ تُحۡشَرُونَ ﴿٢٤﴾
Sabihin mo: "Siya ay ang lumalang sa inyo sa lupa at tungo sa Kanya kakalapin kayo."
فَإِذَا نُفِخَ فِي ٱلصُّورِ نَفۡخَةٞ وَٰحِدَةٞ ﴿١٣﴾
Kaya kapag umihip sa tambuli nang nag-iisang pag-ihip,
وَحُمِلَتِ ٱلۡأَرۡضُ وَٱلۡجِبَالُ فَدُكَّتَا دَكَّةٗ وَٰحِدَةٗ ﴿١٤﴾
at dinala ang lupa at ang mga bundok, saka dinurog ang mga ito nang nag-iisang pagdurog,
فَيَوۡمَئِذٖ وَقَعَتِ ٱلۡوَاقِعَةُ ﴿١٥﴾
sa araw na iyon ay magaganap ang Magaganap.
وَٱنشَقَّتِ ٱلسَّمَآءُ فَهِيَ يَوۡمَئِذٖ وَاهِيَةٞ ﴿١٦﴾
Mabibiyak ang langit sapagkat ito sa araw na iyon ay marupok.
وَٱلۡمَلَكُ عَلَىٰٓ أَرۡجَآئِهَاۚ وَيَحۡمِلُ عَرۡشَ رَبِّكَ فَوۡقَهُمۡ يَوۡمَئِذٖ ثَمَٰنِيَةٞ ﴿١٧﴾
Ang mga anghel ay nasa mga gilid nito. May magpapasan, sa Trono ng Panginoon mo sa ibabaw nila sa araw na iyon, na walo.
يَوۡمَئِذٖ تُعۡرَضُونَ لَا تَخۡفَىٰ مِنكُمۡ خَافِيَةٞ ﴿١٨﴾
Sa Araw na iyon ay itatanghal kayo; walang nakakukubli mula sa inyo na isang tagakubli.
سَأَلَ سَآئِلُۢ بِعَذَابٖ وَاقِعٖ ﴿١﴾
Humingi ang isang humihingi ng isang pagdurusang magaganap.
لِّلۡكَٰفِرِينَ لَيۡسَ لَهُۥ دَافِعٞ ﴿٢﴾
Para sa mga tagatangging sumampalataya, wala para ritong isang tagahadlang
مِّنَ ٱللَّهِ ذِي ٱلۡمَعَارِجِ ﴿٣﴾
laban kay Allāh na may mga pampanik.
تَعۡرُجُ ٱلۡمَلَـٰٓئِكَةُ وَٱلرُّوحُ إِلَيۡهِ فِي يَوۡمٖ كَانَ مِقۡدَارُهُۥ خَمۡسِينَ أَلۡفَ سَنَةٖ ﴿٤﴾
Papanik ang mga anghel at ang Espiritu sa Kanya sa isang araw na ang sukat nito ay limampung libong taon.
فَٱصۡبِرۡ صَبۡرٗا جَمِيلًا ﴿٥﴾
Kaya magtiis ka nang pagtitiis na marilag.
إِنَّهُمۡ يَرَوۡنَهُۥ بَعِيدٗا ﴿٦﴾
Tunay na sila ay nagtuturing na [ang pagdurusang] ito ay malayo
وَنَرَىٰهُ قَرِيبٗا ﴿٧﴾
samantalang nagtuturing Kaming ito ay malapit,
يَوۡمَ تَكُونُ ٱلسَّمَآءُ كَٱلۡمُهۡلِ ﴿٨﴾
sa Araw na ang langit ay magiging para bang latak ng langis,
وَتَكُونُ ٱلۡجِبَالُ كَٱلۡعِهۡنِ ﴿٩﴾
ang mga bundok ay magiging para bang nilipad na lana,
وَلَا يَسۡـَٔلُ حَمِيمٌ حَمِيمٗا ﴿١٠﴾
at walang magtatanong na isang kaanak sa isang kaanak.
فَقُلۡتُ ٱسۡتَغۡفِرُواْ رَبَّكُمۡ إِنَّهُۥ كَانَ غَفَّارٗا ﴿١٠﴾
Kaya nagsabi ako: ‘Humingi kayo ng tawad sa Panginoon ninyo – tunay na Siya ay laging Palapatawad –
يُرۡسِلِ ٱلسَّمَآءَ عَلَيۡكُم مِّدۡرَارٗا ﴿١١﴾
magpapadala Siya ng [ulan ng] langit sa inyo na nananagana,
وَيُمۡدِدۡكُم بِأَمۡوَٰلٖ وَبَنِينَ وَيَجۡعَل لَّكُمۡ جَنَّـٰتٖ وَيَجۡعَل لَّكُمۡ أَنۡهَٰرٗا ﴿١٢﴾
mag-aayuda Siya sa inyo ng mga yaman at mga anak, gagawa Siya para sa inyo ng mga hardin, at gagawa Siya para sa inyo ng mga ilog.
مَّا لَكُمۡ لَا تَرۡجُونَ لِلَّهِ وَقَارٗا ﴿١٣﴾
Ano ang mayroon sa inyo na hindi kayo umaasam kay Allāh sa kabunyian
وَقَدۡ خَلَقَكُمۡ أَطۡوَارًا ﴿١٤﴾
samantalang lumikha nga Siya sa inyo sa mga yugto?
أَلَمۡ تَرَوۡاْ كَيۡفَ خَلَقَ ٱللَّهُ سَبۡعَ سَمَٰوَٰتٖ طِبَاقٗا ﴿١٥﴾
Hindi ba ninyo napag-alaman kung papaanong lumikha si Allāh ng pitong langit na magkakapatong?
وَجَعَلَ ٱلۡقَمَرَ فِيهِنَّ نُورٗا وَجَعَلَ ٱلشَّمۡسَ سِرَاجٗا ﴿١٦﴾
Naglagay Siya ng buwan sa mga ito bilang liwanag at naglagay Siya ng araw bilang sulo.
وَٱللَّهُ أَنۢبَتَكُم مِّنَ ٱلۡأَرۡضِ نَبَاتٗا ﴿١٧﴾
Si Allāh ay nagpatubo sa inyo mula sa lupa sa isang pagpapatubo.
ثُمَّ يُعِيدُكُمۡ فِيهَا وَيُخۡرِجُكُمۡ إِخۡرَاجٗا ﴿١٨﴾
Pagkatapos magpapanumbalik Siya sa inyo rito at magpapalabas Siya sa inyo sa isang pagpapalabas.
وَٱللَّهُ جَعَلَ لَكُمُ ٱلۡأَرۡضَ بِسَاطٗا ﴿١٩﴾
Si Allāh ay gumawa para sa inyo ng lupa na isang nakalatag
لِّتَسۡلُكُواْ مِنۡهَا سُبُلٗا فِجَاجٗا ﴿٢٠﴾
upang tumahak kayo mula rito sa mga landas na maluwang.'"
لَآ أُقۡسِمُ بِيَوۡمِ ٱلۡقِيَٰمَةِ ﴿١﴾
Talagang sumusumpa Ako sa Araw ng Pagbangon.
وَلَآ أُقۡسِمُ بِٱلنَّفۡسِ ٱللَّوَّامَةِ ﴿٢﴾
Talagang sumusumpa Ako sa palasising kaluluwa.
أَيَحۡسَبُ ٱلۡإِنسَٰنُ أَلَّن نَّجۡمَعَ عِظَامَهُۥ ﴿٣﴾
Nag-aakala ba ang tao na hindi Kami magtitipon ng mga buto niya?
بَلَىٰ قَٰدِرِينَ عَلَىٰٓ أَن نُّسَوِّيَ بَنَانَهُۥ ﴿٤﴾
Oo; nakakakaya na bumuo Kami ng mga dulo ng daliri niya.
بَلۡ يُرِيدُ ٱلۡإِنسَٰنُ لِيَفۡجُرَ أَمَامَهُۥ ﴿٥﴾
Bagkus nagnanais ang tao para magmasamang-loob sa harapan niya.
يَسۡـَٔلُ أَيَّانَ يَوۡمُ ٱلۡقِيَٰمَةِ ﴿٦﴾
Nagtatanong siya: "Kailan ang Araw ng Pagbangon?"
فَإِذَا بَرِقَ ٱلۡبَصَرُ ﴿٧﴾
Kaya kapag nagitla ang paningin
وَخَسَفَ ٱلۡقَمَرُ ﴿٨﴾
at nagdilim ang buwan,
وَجُمِعَ ٱلشَّمۡسُ وَٱلۡقَمَرُ ﴿٩﴾
at ipinagsama ang araw at ang buwan;
يَقُولُ ٱلۡإِنسَٰنُ يَوۡمَئِذٍ أَيۡنَ ٱلۡمَفَرُّ ﴿١٠﴾
magsasabi ang tao sa Araw na iyon: "Saan ang matatakasan?"
كَلَّا لَا وَزَرَ ﴿١١﴾
Aba’y hindi! Wala nang kublihan.
إِلَىٰ رَبِّكَ يَوۡمَئِذٍ ٱلۡمُسۡتَقَرُّ ﴿١٢﴾
Tungo sa Panginoon mo, sa Araw na iyon, ang pinagtitigilan.