quranm◉

Surah An-Najm transliteration

◉ Sura · ∞

53:1

وَٱلنَّجۡمِ إِذَا هَوَىٰ ﴿1﴾

Transliteration: Waalnnajmi itha hawa

Translation: Sumpa man sa bituin kapag lumubog ito,

53:2

مَا ضَلَّ صَاحِبُكُمۡ وَمَا غَوَىٰ ﴿2﴾

Transliteration: Ma dalla sahibukum wama ghawa

Translation: Hindi naligaw ang kasamahan ninyo at hindi siya nalisya.

53:3

وَمَا يَنطِقُ عَنِ ٱلۡهَوَىٰٓ ﴿3﴾

Transliteration: Wama yantiqu AAani alhawa

Translation: Hindi siya bumibigkas ayon sa pithaya.

53:4

إِنۡ هُوَ إِلَّا وَحۡيٞ يُوحَىٰ ﴿4﴾

Transliteration: In huwa illa wahyun yooha

Translation: Walang iba ito kundi isang kasi na ikinakasi sa kanya.

53:5

عَلَّمَهُۥ شَدِيدُ ٱلۡقُوَىٰ ﴿5﴾

Transliteration: AAallamahu shadeedu alquwa

Translation: Nagturo sa kanya ang [anghel na] matindi ang lakas,

53:6

ذُو مِرَّةٖ فَٱسۡتَوَىٰ ﴿6﴾

Transliteration: Thoo mirratin faistawa

Translation: na may kapangyarihan saka tumindig sa tunay na anyo,

53:7

وَهُوَ بِٱلۡأُفُقِ ٱلۡأَعۡلَىٰ ﴿7﴾

Transliteration: Wahuwa bialofuqi alaAAla

Translation: habang ito ay nasa [bahagi ng] abot-tanaw na pinakamataas.

53:8

ثُمَّ دَنَا فَتَدَلَّىٰ ﴿8﴾

Transliteration: Thumma dana fatadalla

Translation: Pagkatapos lumapit ito saka nagpakalapit-lapit ito.

53:9

فَكَانَ قَابَ قَوۡسَيۡنِ أَوۡ أَدۡنَىٰ ﴿9﴾

Transliteration: Fakana qaba qawsayni aw adna

Translation: Kaya ito ay naging nasa layong dalawang pana o higit na malapit.

53:10

فَأَوۡحَىٰٓ إِلَىٰ عَبۡدِهِۦ مَآ أَوۡحَىٰ ﴿10﴾

Transliteration: Faawha ila AAabdihi ma awha

Translation: Kaya nagkasi ito sa lingkod Niya ng ikinasi Niya.

53:11

مَا كَذَبَ ٱلۡفُؤَادُ مَا رَأَىٰٓ ﴿11﴾

Transliteration: Ma kathaba alfuadu ma raa

Translation: Hindi nagsinungaling ang puso [ng Propeta] sa nakita niya.

53:12

أَفَتُمَٰرُونَهُۥ عَلَىٰ مَا يَرَىٰ ﴿12﴾

Transliteration: Afatumaroonahu AAala ma yara

Translation: Kaya makikipagtaltalan ba kayo sa kanya sa nakikita niya?

53:13

وَلَقَدۡ رَءَاهُ نَزۡلَةً أُخۡرَىٰ ﴿13﴾

Transliteration: Walaqad raahu nazlatan okhra

Translation: Talaga ngang nakita niya ito sa iba pang pagkababa,

53:14

عِندَ سِدۡرَةِ ٱلۡمُنتَهَىٰ ﴿14﴾

Transliteration: AAinda sidrati almuntaha

Translation: sa tabi ng [punong] Sidrah ng Pinagwawakasan,

53:15

عِندَهَا جَنَّةُ ٱلۡمَأۡوَىٰٓ ﴿15﴾

Transliteration: AAindaha jannatu almawa

Translation: sa tabi nito ang Hardin ng Kanlungan,

53:16

إِذۡ يَغۡشَى ٱلسِّدۡرَةَ مَا يَغۡشَىٰ ﴿16﴾

Transliteration: Ith yaghsha alssidrata ma yaghsha

Translation: noong bumabalot sa [punong] Sidrah ang bumabalot.

53:17

مَا زَاغَ ٱلۡبَصَرُ وَمَا طَغَىٰ ﴿17﴾

Transliteration: Ma zagha albasaru wama tagha

Translation: Hindi lumiko ang paningin [ng Propeta] at hindi ito lumampas.

53:18

لَقَدۡ رَأَىٰ مِنۡ ءَايَٰتِ رَبِّهِ ٱلۡكُبۡرَىٰٓ ﴿18﴾

Transliteration: Laqad raa min ayati rabbihi alkubra

Translation: Talaga ngang may nakita siya mula sa pinakamalaking mga tanda ng Panginoon Niya.

53:19

أَفَرَءَيۡتُمُ ٱللَّـٰتَ وَٱلۡعُزَّىٰ ﴿19﴾

Transliteration: Afaraaytumu allata waalAAuzza

Translation: Kaya nagsaalang-alang ba kayo kina Allāt at Al`uzzā,

53:20

وَمَنَوٰةَ ٱلثَّالِثَةَ ٱلۡأُخۡرَىٰٓ ﴿20﴾

Transliteration: Wamanata alththalithata alokhra

Translation: at kay Manāh, ang ikatlong iba pa?

53:21

أَلَكُمُ ٱلذَّكَرُ وَلَهُ ٱلۡأُنثَىٰ ﴿21﴾

Transliteration: Alakumu alththakaru walahu alontha

Translation: Ukol ba sa inyo ang lalaki at ukol sa Kanya ang babae?

53:22

تِلۡكَ إِذٗا قِسۡمَةٞ ضِيزَىٰٓ ﴿22﴾

Transliteration: Tilka ithan qismatun deeza

Translation: Iyon, sa makatuwid, ay isang paghahating liku-liko.

53:23

إِنۡ هِيَ إِلَّآ أَسۡمَآءٞ سَمَّيۡتُمُوهَآ أَنتُمۡ وَءَابَآؤُكُم مَّآ أَنزَلَ ٱللَّهُ بِهَا مِن سُلۡطَٰنٍۚ إِن يَتَّبِعُونَ إِلَّا ٱلظَّنَّ وَمَا تَهۡوَى ٱلۡأَنفُسُۖ وَلَقَدۡ جَآءَهُم مِّن رَّبِّهِمُ ٱلۡهُدَىٰٓ ﴿23﴾

Transliteration: In hiya illa asmaon sammaytumooha antum waabaokum ma anzala Allahu biha min sultanin in yattabiAAoona illa alththanna wama tahwa alanfusu walaqad jaahum min rabbihimu alhuda

Translation: Walang iba ang mga [anitong] ito kundi mga pangalang ipinangalan ninyo mismo at ng mga ninuno ninyo. Hindi nagpababa si Allāh kaugnay sa mga ito ng anumang katunayan. Hindi sila sumusunod maliban sa pagpapalagay at pinipithaya ng mga sarili. Talaga ngang dumating sa kanila mula sa Panginoon nila ang patnubay.

53:24

أَمۡ لِلۡإِنسَٰنِ مَا تَمَنَّىٰ ﴿24﴾

Transliteration: Am lilinsani ma tamanna

Translation: O ukol ba sa tao ang minithi niya?

53:25

فَلِلَّهِ ٱلۡأٓخِرَةُ وَٱلۡأُولَىٰ ﴿25﴾

Transliteration: Falillahi alakhiratu waaloola

Translation: Ngunit sa kay Allāh ang huling buhay at ang unang buhay.

53:26

وَكَم مِّن مَّلَكٖ فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ لَا تُغۡنِي شَفَٰعَتُهُمۡ شَيۡـًٔا إِلَّا مِنۢ بَعۡدِ أَن يَأۡذَنَ ٱللَّهُ لِمَن يَشَآءُ وَيَرۡضَىٰٓ ﴿26﴾

Transliteration: Wakam min malakin fee alssamawati la tughnee shafaAAatuhum shayan illa min baAAdi an yathana Allahu liman yashao wayarda

Translation: Kay rami ng anghel sa mga langit na hindi nakapagdudulot ang pamamagitan nila ng anuman maliban nang matapos na magpahintulot si Allāh sa sinumang niloloob Niya at kinalulugdan Niya.

53:27

إِنَّ ٱلَّذِينَ لَا يُؤۡمِنُونَ بِٱلۡأٓخِرَةِ لَيُسَمُّونَ ٱلۡمَلَـٰٓئِكَةَ تَسۡمِيَةَ ٱلۡأُنثَىٰ ﴿27﴾

Transliteration: Inna allatheena la yuminoona bialakhirati layusammoona almalaikata tasmiyata alontha

Translation: Tunay na ang mga hindi sumasampalataya sa Kabilang-buhay ay talagang nagpapangalan sa mga anghel ng pagpapangalan sa babae.

53:28

وَمَا لَهُم بِهِۦ مِنۡ عِلۡمٍۖ إِن يَتَّبِعُونَ إِلَّا ٱلظَّنَّۖ وَإِنَّ ٱلظَّنَّ لَا يُغۡنِي مِنَ ٱلۡحَقِّ شَيۡـٔٗا ﴿28﴾

Transliteration: Wama lahum bihi min AAilmin in yattabiAAoona illa alththanna wainna alththanna la yughnee mina alhaqqi shayan

Translation: Walang ukol sa kanila rito na anumang kaalaman. Wala silang sinusunod kundi ang pagpapalagay. Tunay na ang pagpapalagay ay hindi nakapagdudulot kapalit ng katotohanan ng anuman.

53:29

فَأَعۡرِضۡ عَن مَّن تَوَلَّىٰ عَن ذِكۡرِنَا وَلَمۡ يُرِدۡ إِلَّا ٱلۡحَيَوٰةَ ٱلدُّنۡيَا ﴿29﴾

Transliteration: FaaAArid AAan man tawalla AAan thikrina walam yurid illa alhayata alddunya

Translation: Kaya umayaw ka sa sinumang tumalikod sa pag-alaala sa Amin at hindi nagnais kundi ng buhay na pangmundo.

53:30

ذَٰلِكَ مَبۡلَغُهُم مِّنَ ٱلۡعِلۡمِۚ إِنَّ رَبَّكَ هُوَ أَعۡلَمُ بِمَن ضَلَّ عَن سَبِيلِهِۦ وَهُوَ أَعۡلَمُ بِمَنِ ٱهۡتَدَىٰ ﴿30﴾

Transliteration: Thalika mablaghuhum mina alAAilmi inna rabbaka huwa aAAlamu biman dalla AAan sabeelihi wahuwa aAAlamu bimani ihtada

Translation: Iyon ay ang inaabot nila mula sa kaalaman. Tunay na ang Panginoon mo ay higit na maalam sa sinumang naligaw palayo sa landas Niya at higit na maalam sa sinumang napatnubayan.

53:31

وَلِلَّهِ مَا فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَمَا فِي ٱلۡأَرۡضِ لِيَجۡزِيَ ٱلَّذِينَ أَسَـٰٓـُٔواْ بِمَا عَمِلُواْ وَيَجۡزِيَ ٱلَّذِينَ أَحۡسَنُواْ بِٱلۡحُسۡنَى ﴿31﴾

Transliteration: Walillahi ma fee alssamawati wama fee alardi liyajziya allatheena asaoo bima AAamiloo wayajziya allatheena ahsanoo bialhusna

Translation: Sa kay Allāh ang anumang nasa mga langit at ang anumang nasa lupa upang gumanti Siya sa mga gumawa ng masagwa ayon sa anumang ginawa nila at gumanti Siya sa mga gumawa ng maganda ayon sa pinakamaganda.

53:32

ٱلَّذِينَ يَجۡتَنِبُونَ كَبَـٰٓئِرَ ٱلۡإِثۡمِ وَٱلۡفَوَٰحِشَ إِلَّا ٱللَّمَمَۚ إِنَّ رَبَّكَ وَٰسِعُ ٱلۡمَغۡفِرَةِۚ هُوَ أَعۡلَمُ بِكُمۡ إِذۡ أَنشَأَكُم مِّنَ ٱلۡأَرۡضِ وَإِذۡ أَنتُمۡ أَجِنَّةٞ فِي بُطُونِ أُمَّهَٰتِكُمۡۖ فَلَا تُزَكُّوٓاْ أَنفُسَكُمۡۖ هُوَ أَعۡلَمُ بِمَنِ ٱتَّقَىٰٓ ﴿32﴾

Transliteration: Allatheena yajtaniboona kabaira alithmi waalfawahisha illa allamama inna rabbaka wasiAAu almaghfirati huwa aAAlamu bikum ith anshaakum mina alardi waith antum ajinnatun fee butooni ommahatikum fala tuzakkoo anfusakum huwa aAAlamu bimani ittaqa

Translation: Ang mga umiiwas sa mga malaki sa kasalanan at mga mahalay maliban sa mga kasalanang maliit, tunay na ang Panginoon mo ay malawak ang kapatawaran. Siya ay higit na maalam sa inyo noong nagpaluwal Siya sa inyo mula sa lupa at noong kayo ay mga bilig sa mga tiyan ng mga ina ninyo. Kaya huwag kayong magmalinis ng mga sarili ninyo; Siya ay higit na maalam sa sinumang nangilag magkasala.

53:33

أَفَرَءَيۡتَ ٱلَّذِي تَوَلَّىٰ ﴿33﴾

Transliteration: Afaraayta allathee tawalla

Translation: Kaya nakita mo ba ang tumalikod [sa Islām],

53:34

وَأَعۡطَىٰ قَلِيلٗا وَأَكۡدَىٰٓ ﴿34﴾

Transliteration: WaaAAta qaleelan waakda

Translation: at nagbibigay ng kaunti at nagmaramot?

53:35

أَعِندَهُۥ عِلۡمُ ٱلۡغَيۡبِ فَهُوَ يَرَىٰٓ ﴿35﴾

Transliteration: aAAindahu AAilmu alghaybi fahuwa yara

Translation: Taglay ba niya ang kaalaman sa Lingid kaya siya ay nakakikita?

53:36

أَمۡ لَمۡ يُنَبَّأۡ بِمَا فِي صُحُفِ مُوسَىٰ ﴿36﴾

Transliteration: Am lam yunabba bima fee suhufi moosa

Translation: O hindi siya binalitaan hinggil sa nasa mga kalatas ni Moises,

53:37

وَإِبۡرَٰهِيمَ ٱلَّذِي وَفَّىٰٓ ﴿37﴾

Transliteration: Waibraheema allathee waffa

Translation: at ni Abraham na tumupad,

53:38

أَلَّا تَزِرُ وَازِرَةٞ وِزۡرَ أُخۡرَىٰ ﴿38﴾

Transliteration: Alla taziru waziratun wizra okhra

Translation: na hindi magpapasan ang isang tagapasan ng pasanin ng iba,

53:39

وَأَن لَّيۡسَ لِلۡإِنسَٰنِ إِلَّا مَا سَعَىٰ ﴿39﴾

Transliteration: Waan laysa lilinsani illa ma saAAa

Translation: na walang ukol sa tao kundi ang pinagpunyagian niya,

53:40

وَأَنَّ سَعۡيَهُۥ سَوۡفَ يُرَىٰ ﴿40﴾

Transliteration: Waanna saAAyahu sawfa yura

Translation: at na ang pagpupunyagi niya ay makikita.

53:41

ثُمَّ يُجۡزَىٰهُ ٱلۡجَزَآءَ ٱلۡأَوۡفَىٰ ﴿41﴾

Transliteration: Thumma yujzahu aljazaa alawfa

Translation: Pagkatapos gagantihan siya ng ganting pinakasapat.

53:42

وَأَنَّ إِلَىٰ رَبِّكَ ٱلۡمُنتَهَىٰ ﴿42﴾

Transliteration: Waanna ila rabbika almuntaha

Translation: Na tungo sa Panginoon mo ang pinagwawakasan.

53:43

وَأَنَّهُۥ هُوَ أَضۡحَكَ وَأَبۡكَىٰ ﴿43﴾

Transliteration: Waannahu huwa adhaka waabka

Translation: Na Siya ay nagpatawa at nagpaiyak.

53:44

وَأَنَّهُۥ هُوَ أَمَاتَ وَأَحۡيَا ﴿44﴾

Transliteration: Waannahu huwa amata waahya

Translation: Na Siya ay nagbigay-kamatayan at nagbibigay-buhay.

53:45

وَأَنَّهُۥ خَلَقَ ٱلزَّوۡجَيۡنِ ٱلذَّكَرَ وَٱلۡأُنثَىٰ ﴿45﴾

Transliteration: Waannahu khalaqa alzzawjayni alththakara waalontha

Translation: Na Siya ay lumikha sa magkaparis, ang lalaki at ang babae,

53:46

مِن نُّطۡفَةٍ إِذَا تُمۡنَىٰ ﴿46﴾

Transliteration: Min nutfatin itha tumna

Translation: mula sa patak kapag ibinuhos ito.

53:47

وَأَنَّ عَلَيۡهِ ٱلنَّشۡأَةَ ٱلۡأُخۡرَىٰ ﴿47﴾

Transliteration: Waanna AAalayhi alnnashata alokhra

Translation: Na nasa Kanya ang pagpapaluwal na iba pa.

53:48

وَأَنَّهُۥ هُوَ أَغۡنَىٰ وَأَقۡنَىٰ ﴿48﴾

Transliteration: Waannahu huwa aghna waaqna

Translation: Na Siya ay nagpayaman at nagbigay-kasiyahan.

53:49

وَأَنَّهُۥ هُوَ رَبُّ ٱلشِّعۡرَىٰ ﴿49﴾

Transliteration: Waannahu huwa rabbu alshshiAAra

Translation: Na Siya ay ang Panginoon ng [bituing] Sirius.

53:50

وَأَنَّهُۥٓ أَهۡلَكَ عَادًا ٱلۡأُولَىٰ ﴿50﴾

Transliteration: Waannahu ahlaka AAadan aloola

Translation: Na Siya ay nagpahamak sa [liping] `Ād na sinauna

53:51

وَثَمُودَاْ فَمَآ أَبۡقَىٰ ﴿51﴾

Transliteration: Wathamooda fama abqa

Translation: at [liping] Thamūd, kaya hindi Siya nagtira.

53:52

وَقَوۡمَ نُوحٖ مِّن قَبۡلُۖ إِنَّهُمۡ كَانُواْ هُمۡ أَظۡلَمَ وَأَطۡغَىٰ ﴿52﴾

Transliteration: Waqawma noohin min qablu innahum kanoo hum athlama waatgha

Translation: [Nagpahamak Siya] sa mga kababayan ni Noe bago pa niyon; tunay na sila dati ay higit na tagalabag sa katarungan at higit na tagapagmalabis.

53:53

وَٱلۡمُؤۡتَفِكَةَ أَهۡوَىٰ ﴿53﴾

Transliteration: Waalmutafikata ahwa

Translation: Ang itinaob [na mga lungsod] ay pinalagpak Niya,

53:54

فَغَشَّىٰهَا مَا غَشَّىٰ ﴿54﴾

Transliteration: Faghashshaha ma ghashsha

Translation: saka bumalot Siya sa mga ito ng ibinalot Niya.

53:55

فَبِأَيِّ ءَالَآءِ رَبِّكَ تَتَمَارَىٰ ﴿55﴾

Transliteration: Fabiayyi alai rabbika tatamara

Translation: Kaya sa alin sa mga grasya ng Panginoon mo nag-aalinlangan ka?

53:56

هَٰذَا نَذِيرٞ مِّنَ ٱلنُّذُرِ ٱلۡأُولَىٰٓ ﴿56﴾

Transliteration: Hatha natheerun mina alnnuthuri aloola

Translation: [Ang Sugong] ito ay isang mapagbabala kabilang sa mga mapagbabalang sinauna.

53:57

أَزِفَتِ ٱلۡأٓزِفَةُ ﴿57﴾

Transliteration: Azifati alazifatu

Translation: Nalapit ang Papalapit.

53:58

لَيۡسَ لَهَا مِن دُونِ ٱللَّهِ كَاشِفَةٌ ﴿58﴾

Transliteration: Laysa laha min dooni Allahi kashifatun

Translation: Walang ukol dito bukod pa kay Allāh na isang tagahawi.

53:59

أَفَمِنۡ هَٰذَا ٱلۡحَدِيثِ تَعۡجَبُونَ ﴿59﴾

Transliteration: Afamin hatha alhadeethi taAAjaboona

Translation: Kaya ba sa salaysay na ito nagtataka kayo?

53:60

وَتَضۡحَكُونَ وَلَا تَبۡكُونَ ﴿60﴾

Transliteration: Watadhakoona wala tabkoona

Translation: Tumatawa kayo at hindi kayo umiiyak,

53:61

وَأَنتُمۡ سَٰمِدُونَ ﴿61﴾

Transliteration: Waantum samidoona

Translation: habang kayo ay mga nagsasaya.

53:62

فَٱسۡجُدُواْۤ لِلَّهِۤ وَٱعۡبُدُواْ۩ ﴿62﴾

Transliteration: Faosjudoo lillahi waoAAbudoo

Translation: Kaya magpatirapa kayo kay Allāh at sumamba kayo.

Transliteration source: English Transliteration by Tanzil. Used under Tanzil's non-commercial terms; see the source and latest updates at Tanzil. Tanzil translation download