quranm◉

Pahina 602

Range
from 106:1 to 108:3
Surahs covered
Salin
14 Salin

◉

106:1

لِإِيلَٰفِ قُرَيۡشٍ ﴿1﴾

Dahil sa pagkahirati sa Quraysh –

106:2

إِۦلَٰفِهِمۡ رِحۡلَةَ ٱلشِّتَآءِ وَٱلصَّيۡفِ ﴿2﴾

sa pagkahirati nila sa paglalakbay sa taglamig at tag-init –

106:3

فَلۡيَعۡبُدُواْ رَبَّ هَٰذَا ٱلۡبَيۡتِ ﴿3﴾

ay sumamba sila sa Panginoon ng Bahay na ito,

106:4

ٱلَّذِيٓ أَطۡعَمَهُم مِّن جُوعٖ وَءَامَنَهُم مِّنۡ خَوۡفِۭ ﴿4﴾

na nagpakain sa kanila mula sa isang pagkagutom at nagpatiwasay sa kanila mula sa isang pangamba.

107:1

أَرَءَيۡتَ ٱلَّذِي يُكَذِّبُ بِٱلدِّينِ ﴿1﴾

Nakakita ka ba sa nagpapasinungaling sa Paggantimpala?

107:2

فَذَٰلِكَ ٱلَّذِي يَدُعُّ ٱلۡيَتِيمَ ﴿2﴾

Sapagkat iyon ay ang nagsasalya sa ulila

107:3

وَلَا يَحُضُّ عَلَىٰ طَعَامِ ٱلۡمِسۡكِينِ ﴿3﴾

at hindi nanghihikayat sa pagpapakain sa dukha.

107:4

فَوَيۡلٞ لِّلۡمُصَلِّينَ ﴿4﴾

Kaya kapighatian ay ukol sa mga tagapagdasal,

107:5

ٱلَّذِينَ هُمۡ عَن صَلَاتِهِمۡ سَاهُونَ ﴿5﴾

na sila sa pagdarasal nila ay mga nagpapabaya,

107:6

ٱلَّذِينَ هُمۡ يُرَآءُونَ ﴿6﴾

na sila ay nagpapakitang-tao

107:7

وَيَمۡنَعُونَ ٱلۡمَاعُونَ ﴿7﴾

at nagkakait ng munting tulong.

108:1

إِنَّآ أَعۡطَيۡنَٰكَ ٱلۡكَوۡثَرَ ﴿1﴾

Tunay na Kami ay nagbigay sa iyo ng Kawthar.

108:2

فَصَلِّ لِرَبِّكَ وَٱنۡحَرۡ ﴿2﴾

Kaya magdasal ka sa Panginoon mo at mag-alay ka.

108:3

إِنَّ شَانِئَكَ هُوَ ٱلۡأَبۡتَرُ ﴿3﴾

Tunay na ang nasusuklam sa iyo ay siya ang lagot.